^

Pang Movies

Celebrity na ibinenta ng ina, lumaking mabait!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Now it can be told, Salve A., as the celebrity concerned ay alam pala na all the while na hindi lamang siya ipinaampon ng supposed tunay niyang ina, well, sa nag-ampon sa kanya, kung hindi ‘ipinagbili’ pa kamo.

Na naunawaan din naman daw ng nag-ampon, dahil alam nito na nangangailangan talaga ng pera, well, ang ina ng kanyang inampon.

Pinalaking mabait ng kanyang adopted mom, later tinulungan ng celebrity ang tunay na ina at mga kapatid.

Ampon ng komedyante, ginagalang at kilalang public figure sa kasalukuyan

Nasa kuwento na rin lang tayo ng pag-ampon, let’s relate how a top comedian, na hindi namin sasabihin kung buhay pa o nag-pass on na, napunta sa kanya ang batang kanyang inampon, na ngayon ay kilala at iginagalang na public figure, ‘di lang sa showbiz kundi sa ibang larangan din.

In any case, diumano’y nagpasama sa kanya ang isang fellow comedian sa isang ampunan, at type nga raw nitong mag-ampon.

In his case, wala siyang balak mag-ampon, as marami nga raw siyang pamangkin.

As his friend comedian ay nakikipag-negotiate sa mga kinauukulan sa ampunan, tungkol sa kanyang aampunin, isang batang lalaki ang halos ayaw nang bumitiw sa kanya.

Kaya, sabi raw sa kanya ng kanyang friend-comedian, ampunin na nga kasi iyan.

Bagama’t napilitan lang, iyon na nga ang ginawa ng komedyante.

Like his fellow comedian, ginawa niyang legal ang pag-ampon sa bata. Isinunod niya ang apelyido nito sa kanya.

Pinag-aral niya ito. As he turned out to be a diligent student, natapos niya ang kursong kanyang pinag-aralan.

And the rest, so far, is history.

Manny, pinakamayamang Pinoy pa rin

As of January 2021, did you read the report in the annual American Business Magazine, Forbes, that the richest Filipino, so far, is former politician cum billionaire businessman, Manny Villar?

Now 71 years old, he was born in Tondo, Manila. He was elected senator from 2001 to 2013. And also served as Senate President from 2006 hanggang 2008.

Sir Manny is married to Senator Cynthia Villar.

His son, Mark (Villar) is currently the Philippines secretary of Public Works and Highways.

Secretary Mark’s wife, Emmeline (Aglipay), a lawyer by profession is Justice Undersecretary.

Willie, walang limit ang pamumudmod ng ayuda

Now ang tanong, sa showbiz, sino ang palagay mo, Salve A., na pinaka-richest?

Kasama raw kaya sa listahan ng top 10 showbiz si Willie Revillame, as kung mamudmod daw ito ng pera sa kanyang programang Wowowin, parang walang limit.

Of Willie pa rin, true ba na it’s a done deal that he will run for Vice President in the 2022 elections?

As suggested daw by no less than President Duterte.

vuukle comment

MANNY VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with