^

Pang Movies

Kris, hindi na masyadong ilalantad ang mga ginagawa nina Joshua at Bimby

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kris, hindi na masyadong ilalantad ang mga ginagawa nina Joshua at Bimby
Kris

Babawasan na ni Kris Aquino ang exposure sa social media ng kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby. Ito ang napagdesisyunan niya na inanunsyo niya sa kanyang Instagram account last Friday.

Ito ay para marahil makaiwas na rin sa mga pangba-bash at pangbu-bullies ng netizens na lately ay naranasan ng dalawa niyang anak.

Ngayon daw ay pipiliin na lang niya ang kanyang ipapakita sa publiko.

“We will never be regular people, given ‘yun. But I can choose na what do regular people post,” sey ni Kris sa video na ipinost.

“They post birthdays, they post trips – obviously, walang mga trips ngayon, they post pag nagga-graduate ‘yung mga anak, they post pag may mga milestone moments.

“So, that’s the decision I made. Sabi ko, ‘yun, ‘yun ang mga ipapakita ko sa inyo. The regular things that regular people show people. And that’s my right, kasi lahat ng magulang, ‘yun ang ginagawa,” aniya.

Hindi na raw niya isasama pa ang dalawa niyang anak sa kanyang trabaho.

“’Yung trabaho ko, labas na, out si Kuya Josh, out si Bimb. It’s my responsibility,” she said.

“They will have enough privacy. But you’ll not get to see them as often as you used to,” dagdag pa niya.

Aminado naman siyang kasalanan niya rin kung bakit nabilad sa publiko ang buhay ng mga anak at ito ay dahil nga sa Kris Aquino siya.

“I can never shield them fully because from the time they were born, I was already Kris. But I can choose what to show,” pahayag ni Kris.

Nag-usap daw sila ni Bimby at sinabihan niya ang anak na kung anuman ang gusto nitong gawin sa buhay ay susuportahan niya. “And ‘hindi na natin kasalanan kung ano ang magiging opinyon nila about you,’ I told him, ‘but what’s important is you know who you are and you’re not gonna be like them,’’ ani Kris.

Sinabi rin ni Tetay na sa dinadami-rami raw ng mga sinabi ng mga tao against Bimby, hindi raw napaiyak ng mga ito ang kanyang bunsong anak. “Ang napaiyak n’yo, ang nanay,” aniya.

“That’s what I learned. Do not talk when you’re affected, do not let them affect you because that’s what they wanna do,” sey ni Kris.

Erap, umaayos na ang lagay

Masayang ibinalita ni former Senator Jinggoy Estrada na patuloy na bumubuti ang kalagayan ng amang si former President Joseph “Erap” Estrada matapos itong maospital dahil sa COVID pneumonia.

Kahapon sa kanyang Facebook account, stable naman daw ang kundisyon ng ama at bagama’t naka-oxygen support pa ito ay unti-unti naman daw nagi-improve ang kalagayan nito. “My father continues to be stable on high flow oxygen support.

“He will be started on passive exercises today to help him recover faster. He continues to slowly improve with the help of your support and prayers. The family wishes to thank everyone for this and we request that you continue praying for him. Maraming salamat pong muli,” ang post ni Jinggoy.

Matatandaang last March 29 nang unang inanunsyo ni Jinggoy na isinugod nila ang ama sa ospital at na-diagnose na COVID-19 positive.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with