^

Pang Movies

John Lloyd noon pa ayaw kay Gerald, Bea binuko kung gaano ka-selfish ang dyowa ngayon ni Julia

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
John Lloyd noon pa ayaw kay Gerald, Bea binuko kung gaano ka-selfish ang dyowa ngayon ni Julia
Gerald at Bea

“I can’t even find the words to describe that man,” pahayag ni Bea Alonzo tungkol kay Gerald Anderson.

Sinabi ito ng aktres sa kanyang panayam ni Bea with G3 San Diego para sa Mega Entertainment kung saan ay isa nga sa napag-usapan nila ang controversial breakup with Gerald. “Apart from, of course, the whole infidelity thing and the whole ghosting thing, I think I’m mad at him more because he gaslighted me. I think it was more of that and until now, he’s not holding himself accountable. That’s what really gets me. He has not changed. Not a bit. He was only protecting himself. He’s selfish,” saad pa ni Bea tungkol sa ex-boyfriend.

After the breakup ay nakita niya si Gerald sa ABS-CBN Ball at gusto raw niya itong sampalin. “Nakita ko ‘yung likod niya nung ball pero na-traffic kami, hindi ko na siya nakita and medyo nakainom pa naman ako nu‘n. I would’ve slapped him. I would have,” ani Bea.

Natanong din ang aktres kung ano ang naging payo sa kanya ng screen partner na si John Lloyd Cruz tungkol sa nangyari sa kanila ni Gerald.

She revealed na noon pa ay tutol pala si Lloydie sa relasyon nila ni Gerald.“Merong ‘I told you so’ moment, of course, because he never really wanted that guy for me. Well, he never wanted anybody for me. He told me that I can survive it, and he kept telling me that I don’t love him. But I didn’t believe him. Because I loved Gerald.”

Pero kung may natutunan daw siya sa nakaraang relasyon, ito ay ang hindi na raw siya magpapaloko tulad ng ginawa sa kanya ni Gerald.

“Siguro ‘yung baon ko talaga is not to let myself be cheated on that way ever again, by anybody. I will never subject myself anymore to that type of relationship,” ani Bea.

Regine, dismayado sa pagdami ng COVID cases

Nagpahayag na rin si Regine Velasquez ng pagkadismaya at pagkabahala sa patuloy pa ring pagkalat ng COVID-19 sa bansa at pagdami ng bilang ng namamatay. “Bakit parang pinabayan na lang tayo? Kanya-kanya matira matibay ganon na lang ba talaga? People are dying people we know relatives friends! Every single day may nalalagas sa atin. What’s happening?” ang tweet ni Regine kahapon.

As usual, may sagot agad ang trolls and bashers sa kanya. “Hindi tayo pinabayaan, walang gusto sa kung anong nangyayari satin ngayon... We just need to pray and help each other out! Huwag nating isisi sa gobyerno lahat... We can do things even small things to help others, lalo na kung may kakayanan tayo para tumulong...” sagot ng isang netizen.

Pero marami rin naman ang umayon kay Regine at nakahanda na rin ang fans niya na ipagtanggol siya kung sakaling magkakaroon na naman ng hate campaign ang mga DDS sa Asia’s Songbird.

vuukle comment

BEA ALONZO

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with