^

Pang Movies

Kumpirmado, Alden hindi priority si Bea

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kumpirmado, Alden hindi priority si Bea
Alden

Matutupad ang request ng fans nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith na muli silang pagtambalin pagkatapos ng mini-series na I Can See You: Love on the Balcony. Nabitin kasi ang fans ng dalawa dahil five days lang umere ang mini-series, tapos namatay pa ang karakter ni Jasmine.

Nabalitang si Jasmine ang leading lady sa next teleserye ni Alden sa GMA 7 na ang magiging title raw ay The World Between Us. Kahit wala pang formal announcement ang GMA 7 dito, natuwa na ang mga nakabasang fans at ang tanong agad ay kung kailan ang simula ng taping nito at kailan ang airing. Ganu’n na nila ka-miss mapanood uli sa isang teleserye si Alden.

Uunahin daw ni Alden ang taping ng teleserye bago ang shooting ng movie nila ni Bea Alonzo dahil hihintayin daw ng mga producer ng Pure Soul na mag-open na ang mga sinehan na m)edyo matagal pa bago mangyari.

Bawal… nina Wally at Paolo, babu na sa ere

Tuluyan nang namaalam sa ere ang game show ng TV5 na Bawal Na Game Show. Hosts nito sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros at nabasa namin ang post ng Instagram ng TV5 na “Barby Ghorl, Bebe Ghorl Signing Off.” Ang mga karakter na ‘yun ang ginampanan nina Wally at Paolo in hosting the game show.

Eight months ding umere ang game show na bago ­napagdesisyunang itigil, nabago muna ang time slot. Sa unang airing, sa primetime sa gabi ang timeslot nito, pero inilipat sa afternoon slot nang pumasok ang teleserye ng ABS-CBN at sila ang ilagay sa primetime slot.

Gabby, pahinga sa pagiging kontrabida!

Kasama sa cast ng I Can See You: #Future si Gabby Eigenmann bilang si Elvin Torres, ama ni Vinchie (Miguel Tanfelix).

Nagsimula na ang airing ng #Future kahapon at simulcast ang airing sa GMA 7, Heart of Asia channel at GTV na hanggang April 9 ang airing sa direction ni Dominic Zapata.

Hindi kontrabida ang role ni Gabby dito at hindi rin siya kontrabida sa Voltes V: Legacy kaya natutuwa ito at maninibago raw siya na hindi siya kamumuhian ng ­viewers sa dalawa niyang magkasunod na projects.

Samantala, dahil tungkol sa future ang story ng mini-series, natanong si Gabby kung ano ang gusto niyang makita sa future at ang ganda ng sagot nitong, “gusto kong makita na wala nang pandemic. Dapat disiplinado ka at sumusunod sa safety protocols ng gobyerno. Maliit na bagay ang pagsusuot ng face mask at face shield, kaya lang, tuwing lumalabas ako, ang dami kong nakikitang walang suot noon.”

Dagdag ni Gabby, kailan ba susunod sa safety protocols ang iba sa atin? Higit sa lahat, kailan daw may unity ang mga Filipino at isantabi muna ang away. Gusto ni Gabby na matapos na ang pandemic para na rin sa mga maraming ikinasal, maraming nagbuntis at sa mga magsisimula ng pamilya.

Fanny, naigagalaw na ang kamay

May positive update si Sharon Cuneta sa medical condition ni Fanny Serrano na naka-confine pa rin ngayon sa ospital pagkatapos ma-stroke. Ayon kay Sharon, naigagalaw na ni Fanny ang kamay na naapektuhan ng stroke.

“Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nagdadasal para kay TF. You know miracles still do happen because TF ngayon po ay nakaka-grip na raw siya ng lightly ng kamay ng doctor,” sabi ni Sharon.

“We are praying na matuloy na ang physical therapy niya. So that’s all I’m saying. I had permission to post what I did before but now I just want us to pray for his full recovery. But God really still makes miracles happen. So praise God talaga,” dagdag ni Sharon.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with