^

Pang Movies

Sharon, pinipilit na si KC na magpabuntis, desperadang magkaapo!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sharon, pinipilit na si KC na magpabuntis, desperadang magkaapo!
KC

Deleted na sa Instagram ni Sharon Cuneta ang post niyang greeting sa eldest daughter na si KC Concepcion na happy birthday (bukas, April 7 ang birthday ni KC) at ulitin ang wish na magkaapo na siya sa panganay. “On Easter Sunday the year I turned 19, I became a mother for the first time to a princess we named Maria Kristina Cassandra. Your birthday this year will fall on Wednesday, but you will forever be my Easter Baby (hence, the name Kristina, after Papa Jesus!). I miss you and you are always in my heart, Toot. I love you very much. Advanced Happy Birthday! (I REALLY want grandbabies! Only if you want. Otherwise I will wait til your siblings start popping them out! Ang tagaaaal naman! Can you consider a surrogate? I mean-just gimme your eggs and I’ll pick their poppa! Hehehe... Tutal I will kidnap all your babies! No need to get married, just gimme your eggs cos sa­yang your genes!!! And I want heirs to our Vampire Empire. Sayang Mita’s and our vampire blood! I’ll do all the work! Hahahaha! No pressure?!!! JOOOOKE! Naaaah not really. Hahaha! I love you baby girl.”

Sayang masaya tiyak ang comments lalo na sa sinabi ni Sharon na siya ang pilili ng magiging ama ng mga magiging anak ni KC. Thirty six years old na si KC bukas at kaya pa niyang magka-babies.

Inaabangan na pala ng fans kung sino ang makakasama ni KC sa kanyang birthday between her mom and dad. Kaya lang, kagagaling lang niya sa Lobo, Batangas, sa rest house ni Gabby kung saan, naka-bonding niya ang mga kapatid na sina Samantha at Savannah noong Holy Week.

Miguel, hindi makalimutan ang payo ng beteranong aktor

Second day na ngayon ng I Can See You: Future na tinatampukan nina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara, kasama sila Gabby Eigenmann at kasama rin sina Dani Porter at Mikoy Morales. Kakaiba ang story ng episode na ito na tututok sa trending at pagba-viral ng vlog content.

Samantala, walang maikuwento si Miguel na experience na may nag-discriminate sa kanya o kaya’y napagsabihan ng mga senior star. Humingi siya ng payo sa mahusay na veteran actor nang magkasama sila sa Sahaya at hanggang ngayon, hindi niya makalimutan ang sinabi nito.“Sabi niya, kung nagpo-portray ka ng role, hindi lang isinusuot ang character dapat nararamdaman din inside of you. Gusto ko siyang maka-work uli, idol ko siya,” wika ni Miguel.

Relasyon nina Arci at JM, joke lang!

Prank lang pala ang announcement nina Arci Muñoz at JM de Guzman na couple sila at para lang pala sa vlog ni Arci. Marami pa naman ang kinilig sa sinabi ni JM na matagal na silang best friends at nagpaalam kung puwede ba siyang manligaw? Kasunod noon, nagbigay siya ng boquet of flowers kay Arci.

Binanggit naman ni Arci na masaya siya na na-witness ng kanyang pamilya ang beautiful moment daw. Kung pinanood ang vlog, ni-reject ni Arci ang paalam na panliligaw ni JM at ang totoong nag-propose ay ang brother ni Arci na si Manolet sa kanyang girlfriend na kasama nila sa Boracay.

In fairness, hindi nagalit kina Arci at JM ang netizens nang malaman ang totoo at natawa na lang na pinaniwala sila at ang ibang kaibigan ng dalawa na in a relationship nga ang magkaibigan.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with