^

Pang Movies

Lovi, inabutan ng lockdown sa dagat

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Inabutan si Kapuso actress Lovi Poe ng ECQ (enhanced community quarantine) habang nasa Holy Week vacation sa La Union, pagkatapos mag-taping ng kanilang Primetime series na Owe My Love ng GMA Public Affairs.

Walang binanggit si Lovi kung may kasama siyang nagbakasyon sa La Union. Naka-post lamang sa kanyang Instagram na kasama niya ang aso niyang si Max, taking a walk sa tabing dagat.

Mga co-star ni Lovi sa Owe My Love ang nagsasabing ‘we miss you.’ Isa si Rocco Nacino na may special participation sa romantic-comedy series. Bale reunion nila ni Lovi ang serye. 

Napapanood ang serye gabi-gabi sa GMA 7, pagkatapos ng I Can See You: #Future nina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara.

Gabby, nag-enjoy kay Sanya

Click na click ang tambalan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez sa romanctic-comedy series na First Yaya na gabi-gabi naman talaga ay tinututukan dahil kuwela ang mga eksena ng gumaganap na president ng bansa at ng kanyang kinuhang yaya para sa kanyang mga anak, si Yaya Melody.

Ngayon ang pinakahihintay ng netizens, ang pagbabago sa pagitan ng amo at yaya, dahil halatang kahit NBSB (No Boyfriend Since Birth) si Yaya Melody ay iba na ang ‘kuryente’ niyang nararamdaman sa kanyang boss. Kaya nga si Gabby ay natatanong ngayon, kung bakit nagki-click siya sa mga younger leading ladies niya.

Naging leading ladies niya sa GMA sina Carla Abellana, Sunshine Dizon, Ryza Cenon,  Jennylyn Mercado, na nag-rate lahat at ngayon, with Sanya. Ayon kay Gabby, nagpapasalamat siya sa lahat ng mga sumusuporta sa kanila. “Kahit nga ang GMA management is happy dahil kahit ang replay ng previous episodes noong Holy Week ay nag-rate na lahat. Hindi ko rin alam bakit nagki-click ako sa mga younger leading ladies ko. Siguro, dahil sila namang lahat na ipinareha sa akin, magagaling sila at nag-enjoy akong makatrabaho sila. Tulad ni Sanya, wala siyang front to just put her best foot forward, kaya maganda ang working relationship namin.”

Kaya ngayon ang hinihintay ng netizens ay ang transformation ng character ni Sanya, in contrast kay Maxine Medina na kinaiinisan ang character nito. Abangan ang First Yaya gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

EB, puro replay muna

Replay na rin muna ang episodes ng longest running noontime show na Eat Bulaga simula kahapon, April 5, dahil na-extend pa muli ng isang linggo ang ECQ, na dapat natapos last Sunday, April 4.  Dati kasi Mondays to Wednesdays ay taped ang EB at live at taping na sila from Thursdays to Saturdays, pero hindi na nga sila nag-tape para sa ipalalabas sana ngayong April 5 to 7, bilang pagsunod na rin sa health protocols ng IATF. Malalaman natin kung next week, ay magtatapos na ang ECQ, ay magla-live na sila muli.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with