^

Pang Movies

Sunshine, umaaray na rin na walang kinikita!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sunshine, umaaray na rin na walang kinikita!
Sunshine

Nang mag-last day ang klase ng kanyang mga anak at bago ipinatupad ang panibagong lockdown na muling nagsara sa restaurants, nagbigay ng blowout si Sunshine Cruz sa kanyang tatlong anak na puro magaganda ang grado sa eskuwelahan.

Dahil sa kanilang magandang performance sa school, sinabi nga ni Sunshine na deserve naman ng kanyang mga anak na mabigyan ng ganung reward bago sila makulong muli sa loob ng bahay dahil sa umiiral na ECQ sa NCR Plus.

Naalala pa ni Sunshine, noong araw na nakakapagbakasyon sila pag-Holy Week pero ngayon saan pa nga ba sila pupunta kundi sa loob na lang ng bahay.

“Marami namang mapaglilibangan. May mo­vies na ngayon sa internet, may games din, at ang importante kahit na naka-isolate ay nakakausap pa rin nila ang mga kaibigan nila dahil sa internet. Iyon nga lang sinasabihan ko na rin sila dahil malakas makasira ng mata iyang nakababad ka sa computer.

“Pero mas mabuti namang ‘di hamak na may ganyan kaysa sa mainip sila at magkaroon pa ng depression dahil hindi naman talaga normal iyong nakakulong ka lang sa bahay. Kung magpipilit ka naman baka mahawa ka. Kaya ako nga, bugbog din sila sa vitamins at supplements para manatiling malakas ang katawan. Ang virus, masu-survive mo iyan kung malakas ang katawan mo,” pahayag pa ni Sunshine.

Sinasamantala rin niya dahil walang trabaho, na mas magka-bonding sila ng kanyang mga anak, pero hirit niya : “iyon nga lang, dahil walang trabaho wala ring kinikita.”

Pero sinasabi nga niya na kahit na mahirap ang buhay, marami pa rin siyang dapat na ipagpasalamat sa Diyos.

Una, natapos na nga ang lahat ng kanyang mga problema, at ang mas mahalaga, walang nagkakasakit sa kanilang pamilya.

Erap, kailangan ng dasal

Doon sa sinasabing mahigit na siyam na libong tinamaan ng COVID, iisipin ba ninyong pati si dating Presidente Erap ay masasama pa? Hindi masasabing hindi nag-iingat si Erap, bagama’t sinasabing hindi pa rin niya maiwasang makipagharap sa mga tao, na kinikilala pa rin siyang lider ng kanilang partido political. Hindi rin daw naiwasan ng dating presidente na humarap pa
sa paghahanda ng ipinamimigay na ayuda at natural maraming tao roon, at iyon ang iniisip nilang dahilan kung bakit siya nahawa.
Eigthy four years old na rin ang dating presidente at mayor ng mga Lungsod ng Maynila at Lungsod ng San Juan.

Ipanalangin nating mabilis na gumaling si dating Presidente Erap.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with