^

Pang Movies

Followers nina Coco at Yassi, tinawag na laos si Julia

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Followers nina Coco at Yassi, tinawag na laos si Julia
Yassi

Grabe kung laitin ng isang Coco Martin at Yassi Pressman fan si Julia Montes dahil lang nakumpirma nilang ang totoong karelasyon ni Coco ay si Julia. Eye opener sa umasang fans nina Coco at Yassi ang bakasyon sa Boracay ni Coco na si Julia at hindi si Yassi ang kasama.

Mula noon, hindi na tinantanan si Julia at nakakawindang ang post ng isang Coco-Yassi fan patungkol kay Julia. Kesyo laos na ang aktres at wala nang masasandalan dahil umasa lang siya kay Coco. Ginamit daw ni Julia ang utak niya dahil kung wala si Coco, wala rin siya.

Nakakatawa rin ang binanggit ng Coco-Yassi fan at basher ni Julia na naging tuso lang si Julia at pinikot lang nito si Coco. Ang ibang mas nakawiwindang na sinabi ng basher, hindi na namin isinulat.

Nagalit siyempre ang Coco-Julia fans at kinontra ang sinabi ng basher na laos na ito dahil may teleserye ito sa Kapamilya Channel (o baka nagtapos na), nababalita ang bawat galaw at may new endorsements. Ayaw nang patulan ng fans nina Coco at Julia ang na-disappoint na Coco-Yassi fans, basta sila masaya na open na sina Coco at Julia sa kanilang relasyon at wish nilang sa susunod silang makitang magkasama, wala na silang suot na face mask at hindi nakababa ang suot na sombrero para kita ang mga mukha nila.

Mike, sa sto­rage muna naglagi pagka-swab

Nakabalik na sa lock-in taping ng Nagbabagang Luha si Mike Tan after ng more than a month na wala siya sa bahay at sa piling ng kanyang pamilya. Bago umuwi, dumaan sa drive-thru saliva test si Mike at habang hinihintay ang result ng RT-PCR result, sa storage ng kanilang bahay muna siya nag-stay.

Ilang araw naka-isolate si Mike at lumabas lang sa storage room nang lumabas ang result na negative siya sa COVID. Kahit naman naka-isolate, ipinaramdam kay Mike ng kanyang wife and two daughters na mahal siya nito.

Sa April 5, pagkatapos ng Babawiin Ko ang Lahat ang premiere ng bagong Afternoon Prime ng GMA 7. Ginagampanan ni Mike ang character ni Bien de Dios, the same role na ginampanan ni Richard Gomez sa movie version ng Regal Films.

Sharon, niregaluhan ang kanyang direktor ng worth $5,000 na bag!

Kung wala pang LV bag si director Darryl Yap, proud owner na siya ng isang LV bag dahil pinadalhan siya ni Sharon Cuneta ng LV bag worth $5,000. Kayo na ang magkuwenta ng equivalent sa peso ng $5,000, basta ganu’n kamahal ang ipinadalang bag ni Sharon sa kanyang director.

Nagkatrabaho sina Sharon at direk Darryl sa Viva Films movie na Revirginized na mapapanood na via Vivamax sa Mayo. Tanong ng fans, kung LV bag ang binigay ni Sharon sa kanyang director, ano kaya ang regalo niya sa co-stars niyang gaya nina Marco Gumabao at Rosanna Roces na naging close rin sa kanya?

And speaking of Sharon, may binanggit itong bagong good news na dumating sa kanya, kaya lang, hindi pa niya puwedeng i-share.

vuukle comment

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with