^

Pang Movies

Matteo, nag-birthday sa Palawan

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Matteo, nag-birthday sa Palawan
Sarah at Matteo

Sa isang lugar sa Palawan nagdiwang ng ika-31st birthday ang athlete, singer-actor at entrepreneur na si Matteo Guidicelli with his family.  Bukod sa kanyang wife na si Sarah Geronimo, kasama rin ni Matteo ang kanyang parents na sina Gianluca Guidicelli at Glenna Fernan-Guidicelli, his elder sister na si Giorgia at husband nitong si Ian Dato and their daughter maging ang younger brother niyang si Paolo Guidicelli.  Ultimo ang mga alagang aso ng mag-asawang Matteo at Sarah ay kasama nila sa Palawan.

Andrea, hindi na in good terms sa ex na pulitiko

Hindi ikinakaila ng dating beauty queen at dating miyembro ng all-girl sexy group na Viva Hot Babes, ang actress at polo player na si Andrea del Rosario na mas malapit ang kanyang ten-year-old daughter na si Beatrice sa kanyang longtime partner, ang professional polo player na si Anthony Garcia kesa sa biological father nito na isang dating politician at successful businessman.

Sa pagkakaalam namin, hindi in good terms si Andrea sa ama ng kanyang anak at ang kanyang boyfriend na si Anthony ang tumatayong father figure ng kanyang anak na si Bea.

Sarah, maraming konek sa March

Muling lumagda ng panibagong management contract ang singer-actress-dancer na si Sarah Labahati with Viva Artists Agency.

Kahit nasa gitna pa ng pandemya ang buong mundo, umaasa ang misis ni Richard Gutierrez na makakagawa siya ng mga bagong proyekto sa tulong ng kanyang home studio.

Kung muling pumirma ng bagong kontrata si Sarah with VAA last March 26, may significance sa kanya ang buwan ng Marso dahil buwan ng March 2017 nang mag-propose ang kanyang mister na si Ri­chard sa hometown ni Sarah sa Switzerland. Buwan din ng Marso isinilang ang kanilang second son at March din ang kaarawan ng kanyang amang si Abdel Lahbati.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with