^

Pang Movies

Aga, pinasyalan ang luxury resort ni Willie ­

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Aga, pinasyalan ang luxury resort ni Willie   ­
Aga at Willie

Nag-reminisce ang magkaibigang Willie Revillame at Aga Muhlach, kasama ang wife niyang si Charlene Gonzales, nang bumisita sila sa private beach resort ng Wowowin host sa Puerto Galera. Ipinasilip ni Aga ang pagbisita niya sa kaibigan sa kanyang Instagram post although parang mga putol ang photos. Matagal nang magkaibigan ang dalawa, sa hirap man o saya: “A good friend since the 80s! Puno ng paghihirap at saya ang mga pinagdaanan din natin. Happy for what you’ve become, Willie. Continue to do what you do best, tumulong at magpasaya ng tao. Nice seeing you again! God bless you my friend. Cheers! Your turn to visit us soon.”

Ang beach resort ni Willie ay balitang nabili niya noon pang 2018 at ipinaayos niya at inihalintulad sa luxury resort na Amanpulo in Palawan.

Last year, isa rin sa nag-stay ng ilang araw sa beach resort ni Willie si Kris Aquino at mga anak niyang sina Joshua at Bimby, nang abutan sila roon ng lock-down dahil sa Covid-19 pandemic.

Glaiza, inaabala ang sarili

Nagpapaka-busy raw si Glaiza de Castro sa work, para ba hindi niya ma-miss ang Irish boyfriend niyang si David Rainey?  Hindi kasi ito pwedeng magbiyahe from Ireland to the Philippines dahil sa umiiral na Covid-19 pandemic.

Kaya kahit nasa lock-in taping sila ni Rayver Cruz ng Nagbabagang Luha, ay nakagawa pa rin si Glaiza ng bagong acoustic cover niya sa Tiktok, ng kantang  On The Ground ni Rose ng K-pop group na BlackPink.

Natuwa ang followers ni Glaiza sa kanyang ginawa kaya umabot na sa more than 400,000 views mula nang i-upload niya ito last March 24. 

Excited na rin ang fans and followers ni Glaiza na mapanood na nila ang actress sa bagong serye, dahil sa mga teasers na ipinalalabas ng GMA-7 ng mga eksena, nakikita na nila kung gaano siya kahusay sa acting.  Matagal-tagal na ring hindi napapanood sa bagong serye aktres, dahil ini-replay ng network ang epic series na Encantadia.

Malapit nang mapanood ang Nagbabagang Luha, after the Holy Week.

Alden, malabong maka-travel

Si Alden Richards naman ang hindi napapanood ngayon sa Eat Bulaga, dahil nagkasunud-sunod ang mga show niya as host, para sa isang online selling app na nag-celebrate ng kanilang 9th anniversary, last Friday, March 26, live sa GMA-7, kasama niya at ibang Kapuso stars, na special guest sina Katy Perry at K-pop boy group na NCT Dream na kinunan on virtual. 

Matuloy kaya si Alden sa balak na Holy Week vacation? Every year kasi, umaalis siya at ang family niya for abroad. Pero mukhang malabo dahil mas mahirap mag-travel kahit dito lamang sa bansa ngayon, dahil sa Covid-19. pandemic.

vuukle comment

AGA MUHLACH

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with