^

Pang Movies

Carla at Tom, iniisip agad ang pagpapaaral sa mga magiging anak!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Sa bahay ng mom ni Carla Abellana na si Rea Reyes, ginawa ang marriage proposal ni Tom Rodriguez kay Carla. Sabi ni Carla, kumpleto ang kanyang pamilya, pero hindi nabanggit ang amang si Rey Abellana at ibig sabihin, wala si Rey doon.

Pero, alam na ni Rey na nag-propose si Tom sa anak niya at ang reaction nito? “Medyo natahimik siya, namula ang tenga, speechless at nang makapagsalita, ang sabi lang “okay, okay.”

Nabanggit na rin daw nina Carla at Tom kay Rey ang kagustuhan ng engaged couple na magkaroon agad ng anak pagkatapos ng kanilang kasal at happy daw si Rey. Noon pa nito sinasabi na gusto na niyang magkaapo kina Carla at Tom.

And speaking of anak, wala pa man, expected na ng marami na beautiful children ang mga magi­ging anak ng Kapuso couple na kung masusunod ay dalawang anak lang. Kailangan daw nilang maging practical dahil mahal magpaaral, kaya ang original plan ni Tom na six kids ay dalawa na lang ngayon.

Maja, superstar at royalty kung tratuhin ng TV5 at Cignal

Iniwasan ni Maja Salvador na sagutin ang tanong sa kanya sa mediacon ng teleserye niyang Niña Niño kung sino ang talents nila ng boyfriend na si Rambo Nuñez sa Crown Artist Ma­nagement? May right time raw para i-announce kung sino ang mga talent nila at sa April, magpapa-presscon sila for the big announcement.

Kaya, hindi natanong at hindi nakumpirma kung pumirma sa company niya si John Lloyd Cruz. Pero, ang ganda nga kung maging talent nina Maja at Rambo si John Lloyd, tapos magsasama sa isang project ang dalawa.

Hindi rin sinagot ng mga bossing ng TV5 at Cignal TV ang tanong ng press kung may ibang gagawing show sa kanila si Maja? Ang sabi lang, may susunod pang project ang aktres, but again, saka na lang nila i-a-announce at sa ngayon, focus muna sa Niña Niño dahil sa April 5 na ang premiere nito.

Superstar at royalty ang treatment kay Maja sa TV5 at Cignal at Primetime Majesty nga ang pakilala sa kanya.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with