^

Pang Movies

Gardo, laging inaalalayan ng misis

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Gardo, laging inaalalayan ng misis

Natutuwa ako sa mag-asawang Gardo Versoza at asawa niyang si Cupcake  kung tawagin niya. Very supportive sila sa isa’t isa, at talagang makikita mo na inaalagaan nila ang kanilang relasyon.

Parang ang ganda nga nilang tingnan na kasama ni Gardo ang misis niya sa taping o shooting at ito ang nag-aasikaso ng mga gamit niya.

Sino pa nga ba ang mag-aalaga nang husto sa iyo kundi ang asawa mo ‘di bah? At mukhang suwerte sila together dahil hindi nawalan ng project si Gardo Versoza, tuluy-tuloy ang trabaho niya. Pati sa TikTok partner silang dalawa, cute nilang tingnan talaga. Happy chemistry kaya naman magaan.

Isa si Gardo sa mahuhusay nating artista kaya naman hindi kataka-taka na hanggang ngayon ay busy siya sa paggawa ng projects.

Congrats, Gardo and Cupcake, bongga!!

Mga gumagawa ng krimen, wala nang kinatatakutan

Very alarming ‘yung parang ang tapang ngayon ng mga gumagawa ng petty crimes. ‘Yung para bang ang lakas ng loob ng mga snatcher o ‘yung nag-aak­yat-bahay na parang walang takot samantalang meron nang police visibility.

Nagkalat pa kung minsan ang mga militar kaya nagtataka ako kung paano nagkakaroon ng lakas ng loob ang mga gumagawa ng mga biglang pagdaklot ng bag o cellphone, o ‘yung akyat-bahay o bukas-kotse.

Para bang to your face, wala nang takot mahuli, dala ba iyon ng droga o gutom?

‘Yung tapang kaya na iyon, para bang sige lang, hindi na baleng mahuli, magkaroon lang ng kahit konting barya. ‘Katakot dahil para bang gawain na iyon ng isang hopeless na tao, ‘yung wala na talagang magagawa sa buhay niya at wala nang pag-asa.

Sana naman hindi pa ganun karami ang nagdidilim na ang isip, nawawalan na ng pag-asa sa buhay. Habambuhay tayo, may pag-asa, may dilim pero liliwanag din, may ulan pero humihinto rin. Basta hope for the best. Fighting!

vuukle comment

GARDO VERSOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with