^

Pang Movies

Piolo, pinakita ang mansion sa tuktok ng bundok

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Piolo, pinakita ang mansion sa tuktok ng bundok

Matapos i-post ni Bea Alonzo ang two-part vlog niya ng kanyang Beati Firma Farm at house nila sa Iba, Zambales, si Piolo Pascual naman ang nagpakita sa vlog niya, ng kanyang hilltop mansion sa Batangas. Mula sa kanyang property doon, situated in the middle of a mountain, makikita sa ibaba mula sa kanyang balcony, ang Oriental Mindoro at Sombrero Island.

Ipinakita ito ni Piolo nang bisitahin siya ng mag-asawang sina Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, ang iba’t ibang lugar sa mansion, like the yoga deck, a sunset bar, and the 25-meter swimming pool, a small basketball court, and a nursery for his veggies. Sila raw ang nagtatanim ng mga gulay for their food at may sarili rin silang poultry sa farm.

Dagdag pa ni Piolo, ang mga furniture niya sa mansion ay mula pa sa Mountain Province na sinasad­ya pa niyang bilhin tuwing aakyat siya roon.

Work is in progress pa rin sa mansion, at ang isa sa itatayo roon ni Piolo ay isang chapel, and a big cross as a landmark, “I’m going to give it to the community.”

Kasama ni Piolo sa kanyang mansion ang mommy Amy niya.

Jake, sinundo ang anak sa Siargao

Hindi natiis ni Jake Ejercito na matagal mawalay sa kanya ang anak na si Ellie, ang love child niya kay Andi Eigenmann, kaya for the first time ay nagbiyahe siya sa Siargao para sunduin ang anak. Magkatulong ngang pinalalaki nina Jake at Andi si Ellie. Last year dahil sa COVID-19 pandemic, matagal na nakasama ni Jake ang anak, habang nasa Siargao naman si Andi, kasama si Lilo, ang anak nila ng surfer na si Philmar Alipayo.

Matapos magsilang si Andi sa baby boy nila ni Philmar na si Koa, isinama niya muli si Ellie sa Siargao, kaya sinundo na siya ni Jake. Tweet ni Jake: “First time in Siargao, to collect the offspring.”

Angeli, nagpasalamat sa mga nagdasal

Nagpasalamat si Angeli Pangilinan-Valenciano sa mga nag-wish sa kanya ng ‘get-well soon’ dahil sa balitang nag-positive siya sa COVID-19. “Gosh, nagsilabasan lahat ng mga mahal ko sa buhay!”  Binanggit  ni Angeli, na tulad ni Gary, marami rin siyang pinagdaanang sakit at surgeries kaya alam niyang kayang labanan ang COVID. “Love you all.  I can do all things through Christ who strengthen me.” Philippians 4:13.

“Please pray that Gary doesn’t get it.  I don’t mind getting it for as long as he is spared from this disease. BY HIS STRIPES I AM HEALED!”

vuukle comment

BEA ALONZO

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with