^

Pang Movies

Engagement nina Tom at Carla, hindi nagka-leakage!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Engagement nina Tom at Carla, hindi nagka-leakage!
Tom at Carla

Less than two weeks lang ang preparations ni Tom Rodriguez at ng mga nakatulong niya sa paghahanda sa marriage proposal niya sa fiancee niyang si Carla Abellana.

Kahit magkasama sa bahay, naitago ni Tom kay Carla ang kanilang paghahanda, gaya ng Zoom ­meetings at convo with the people concerned via email. Kaya may rason ang nabanggit ni Tom sa mediacon nila ni Carla na ninerbyos siya na baka mabu­king ni Carla ang mga ginagawa nilang paghahanda, lalo na at mahusay magdiskubre ng mga bagay-bagay ang aktres.

Sa bahay ni Carla sila nagsama ni Tom, silang dalawa lang, kaya more or less, nakilala na nila ang isa’t isa, kaya hindi na magkakabiglaan kapag ikinasal na sila na baka end of this year daw.

Nagpapasalamat si Tom dahil kahit marami ang nakakaa­lam na magpo-propose siya kay Carla, gaya ni Christian Bautista, Gideon Hermosa at Coney Reyes na nakasama niya sa Love of My Life, walang nagkuwento, kaya nanatiling sikreto ang lahat.

Si Christian kasi ang nilapitan ni Tom para sa engagement ring na binili niya para kay Carla.

Five months nang engaged sina Tom and Carla.

Bela, tinapos ang pagdidirek bago binisita ang BF sa Turkey

Nasa Turkey pala si Bela Padilla, binisita ang boyfriend niyang si Norman Ben Bay, kaya legit at hindi late post ang photos na pino-post ng aktres sa Instagram na nasa Turkey siya. Ang ganda ng photos na nasa IG ni Bela, marami ang gustong lumipad pa-Turkey kapag normal na ang takbo ng buhay.

Anyway, natapos na ni Bela ang first directorial job niyang tinawag niyang 366 kung saan, siya rin ang lead actress at kasama niya sina Zanjoe Marudo at JC Santos. Wala pang nababanggit kung kailan ang showing ng movie o by streaming na mapapanood.

Sayang, kung wala lang pandemic, sa mga sinehan mapapanood ang unang pelikula ni Bela bilang director.

Albert, 31 ang kotse

Na-interview kagabi sa Tunay na Buhay si Albert Martinez at sa interview sa kanya ni Pia Arcangel, napag-usapan ang car collection ng aktor. Mayroon palang 31 cars si Albert at baka madagdagan pa.

Samantala, malapit nang magsimula ang lock-in taping ni Albert ng Afternoon Prime sa GMA 7 na Las Hermanas. Kasama niya rito sina Yasmien Kurdi, Faith da Silva, at Thea Tolentino sa direction ni Monti Parungao.

Fast food ni Alden, may al fresco na

Level up ang McDonald’s franchise branch ni Alden Richards sa Biñan Highway sa Biñan City sa Laguna dahil may al fresco dining area ito na nasa harap ng store. Nag-post si Alden tungkol sa bagong area ng fast food nila sa Facebook at sabi nito, “Regardless of the circumstances coming our way nowadays, we will always deliver quality service for our customers.”

Maganda ang pagkakagawa at pagkakapuwesto ng al fresco dining area, mapa-practice ang social distancing habang ine-enjoy ang in-order na burger, fries, spaghetti at chicken.

Ang hinihintay namin ay ang pagbubukas ng bagong restaurant ni Alden na nasa may South din. Nabanggit na ito dati ni Alden na parang may nakahanda na nga siyang ilang menu.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with