^

Pang Movies

Barbie, sinita si Jak!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Barbie, sinita si Jak!

Isa raw sa pinagtatalunang issue nina Barbie Forteza at Jak Roberto ay pananamit ng babae para sa kanyang boyfriend.

Sa vlog ni Jak, napag-usapan nila ni Barbie ang pagiging conservative ng ibang lalake pagdating sa kanilang girlfriends.

Tanong ni Barbie kay Jak: “Ikaw ba ‘yung tipo ng boyfriend na conservative sa girlfriend? ‘Yung parang gusto niya parang papunta na sa winter lagi ‘yung suot?”

Sagot ni Jak: “Hindi naman ganun ka-OA. ‘Yung mga simpleng pants lang naman ‘tsaka simpleng shirt. Magaganda na naman na kayo, hindi n’yo kailangang mag-reveal pa ng skin. ‘Pag sa amin kasi, mas simple, mas maganda.”

Napansin ng netizens na sa sagot ni Jak tila umiiwas itong magkaroon sila ng debate ni Barbie tungkol sa binuksan nitong topic.

Tanong ulit ni Barbie: “Eh bakit hindi naman ‘yun ‘yung mga zinu-zoom in mo sa Instagram? Bakit ‘pag girlfriend mo na, ayaw mong magsuot ng revealing clothes? Pero kapag nag-i-Instagram ka, talagang aliw na aliw ka doon sa mga naka-sobrang fit na leggings, tapos naka-sports bra na nagyo-yoga. Hindi nga, hindi sabihin natin. Kapag kunwari merong nakabihis ng revealing, sasabihin ‘chicks,’ ganyan. Pero kapag girlfriend mo, ayaw mo na siyang pagbihisin ng revealing?”

Binalikan ni Barbie ang time na pinadalhan niya si Jak ng photos at suot niya ay leggings. Sinita raw siya ni Jak sa suot niyang sobrang fit sa katawan niya.

Ph rep sa Ms. Grand, nirampa ang ­pasarela walk

Nag-trend sa Twitter si Miss Philippines Samantha Bernardo nang rumampa ito sa swimsuit competition ng Miss Grand International pageant sa Thailand noong nakaraang Saturday, March 20.

Nag-top 5 trend ang hashtag na #PhilippinesForMGI at pati na Samantha Bernardo ay kabilang sa top 20 trending sa Twitter.

Rumampa ang candidates ng MGI sa roofdeck ng Bangkok’s State Tower suot ang makukulay na two-piece swimwear. Suot ni Samantha ay blue two-piece at pinahanga niya ang netizens sa kanyang pasarela walk. Pinost din ni Samantha sa Instagram ang kanyang Palawan-inspired gown.

Samantalang in-announce ng MGI ang unang kandidata na pasok sa top 20 semi-finals. Ito ay si Miss Cambodia Seng Rotha na tumanggap ng 37,839,768 points during the voting for “Country Choice of the Year.”

Ang apat pang countries na mataas ang natanggap na boto ay Indonesia, 37,696,144; Colombia, 479,292; Ecuador, 475,618; and Brazil, 24,830.

Hollywood actor Armie Hammer na kinasuhan ng rape, tanggal sa movie ni J.Lo

Inakusahan ng isang babae ang Hollywood actor na si Armie Hammer ng mental, emotional and sexual abuse.

Ayon sa babae na nagngangalang Effie, nagkaroon sila ng four-year relationship ng actor, pero naging bayolente raw ito at inakala ni Effie na papatayin siya ng aktor.

Kuwento niya sa Variety: “I thought he was going to kill me. On April 24, 2017, Armie Hammer violently raped me for over four hours in Los Angeles. During which he repeatedly slapped my head against a wall bruising my face. He also committed other acts of violence against me to which I did not consent.”

Dagdag pa ni Effie, binugbog daw ng aktor ang mga binti’t paa niya para raw hindi ito makatakas.

Pinabulaanan ni Hammer ang bintang na rape sa kanya ni Effie. Ayon sa kanyang lawyer na si Andrew Brettler, of Lavely & Singer: “From day one, Mr. Hammer has maintained that all of his interactions with (Effie)— and every other sexual partner of his for that matter — have been completely consensual, discussed and agreed upon in advance, and mutually participatory.”

Sa Facebook daw nagkakilala sina Effie at Armie. Noong magkaroon sila ng relasyon, ginamitan daw ng aktor si Effie ng clear manipulation tactics.

Dahil sa kaso, inalis na si Hammer sa pelikulang Shotgun Wedding with Jennifer Lopez. Pinalitan siya ng aktor na si Josh Duhamel.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

JAK ROBERTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with