^

Pang Movies

Konek ng fans, pampatagal sa kanilang idolo

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Parang gusto ko nang tularan sina Rose Garcia at Vinia Vivar na parehong member ng international fan club ng favorite nilang Korean actor? Lahat yata ng fan ­meetings at activities ng kanilang idol na si Lee Seung-gi ay alam nila at pinupuntahan pa.

Parang masaya ring gawin na pumupunta ka sa fan meeting, meron kang exclusive merchandise, at nakikilala mo ang ibang fans sa ibang lugar.

Imagine na hanggang Japan ay stalker ni LSG si Rose ha. Kaya lang dahil 74 na ako sa May parang ang tanda ko na para humabul-habol at tumili ‘pag nakikita ang idol ko.

Saka ang dami kong sasalihang fan clubs kung sakali, dahil ang dami kong idols, baka sobra akong mapagod, hah hah hah.

Pero now ko naisip ‘yung excitement ‘pag nakikita mo ang favorites mo, iba ang thrill na maibibigay sa iyo, lalo pa nga at ‘yung idol mo mabait at very accommodating, talagang sasambahin mo.

Ngayon ko nakita ‘yung logic na talagang dapat meron kang connection sa mga tagahanga mo, doon nakasalalay ang itatagal ng career mo.

Naku, kung younger lang ako, dyu-join ako ng fans club talaga, siguro double fun dahil marami silang susundan ko.

Mga madadramang eksena ang lakas makaimpluwensiya

Naku sure ako, Salve, ‘pag napanood mo ang isang eksena sa pinanood ko na serye, hindi mo malilimutan ang part nang basahin ang letter ng mahal niya na namatay. Grabe ang lakas ng impact dahil sa ganda ng pagkaka-deliver na parang pigil na pigil ang emotion, punung-puno ng love at pain. Naku talagang isang araw akong nawindang sa part na iyon, parang masyado akong na-sad.

Talagang movies and music really affect you, talagang ang imprint nito sa utak mo ang lakas. Imposible na hindi ka apektado ng mga eksena na pinanood mo, imposibleng hindi ka ma-touch sa lyrics ng songs na narinig mo. Kaya pala malaking influence ang nagagawa ng isang pelikula sa tao, dahil nga it stirs up emotions in you. Kaya ang mga kanta rin na dekada ang itinatagal ay dahil nga sa unforgettable impact nito sa nakarinig ng awitin. Kaya you don’t forget great actors and singers, dahil nga sa iniwan nilang impact sa iyo.

vuukle comment

KOREAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with