^

Pang Movies

Misis ni Gary V., positive sa COVID!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Misis ni Gary V., positive sa COVID!
Gary at Angeli

Ibinalita ni Angeli P. Valenciano sa kanyang Instagram na COVID-19 positive siya. Pinost ni Angeli ang mga gamot na iniinom niya.

Post ni Angeli: “Guess why I posted this? Here I am isolated because I am COVID positive. I should be afraid right? But I am married to a man who has had Type 1 diabetes for 42 years. Who has had multiple seizures due to hypoglycaemia. Hepatitis. Orthroscopic  surgery on his knees. Tuberculosis. Cardiac double Bypass/open heart surgery. Kidney cancer. Partial nephrectomy surgery. Whew. So having gone through all that with him, I know that this is just another trial that we will overcome together.”

Ipinaalala rin ni Angeli na nagkaroon siya ng scoliosis spine surgery sa Hongkong in 1986, kaya isa lang itong “hurdle that I know I will leap over!”

“STAY HOME. WEAR A MASK AND A FACE SHIELD. WASH HANDS REGULARLY. And EVEN IF YOU ARE FAMILY MEMBERS IF YOU GO OUT WITH “SWABBED” FRIENDS” DO ALL THESE AND PRACTICE SOCIAL DISTANCING.”

Mababasa ang comment ni Gary Valenciano na “Love you hon” at “Am here for you but only in spirit!!!” at ang comment ng anak na si Gab Valenciano na “Love you mama.” Sabi naman ni Angeli, “yes I will be okay.”

Kris, hindi na binalikan ng yaya ni Bimby

Isa sa binigyang linaw ni Kris Aquino sa kanyang video kung saan, sinagot ang mga isyu na ipinupukol sa kanya at sa mga anak na sina Joshua at Bimby ay ang pananatili ni Joshua sa Tarlac. May mga nag-isip pala na kaya sa Tarlac naninirahan si Josh ngayon to establish her stronghold sa pagpasok niya sa pulitika.

Hindi ba puwedeng masaya si Josh sa Tarlac kaya kahit nami-miss siya, pinayagan pa rin siya ni Kris na doon na mag-stay. Naisyu pa na nagsimula sa YouTube na nakabuntis si Josh na isang kasinungalingan. Hindi pa namin natapos pakinggan ang video ni Kris, kaya hindi namin alam kung susundin ang payo sa kanya na idemanda ang vlogger na nagpakalat ng isyung ito.

Nilinaw din ni Kris ang isyung pagkawala ni Bincai sa kanila, yaya siya ni Bimby na naging yaya na rin niya. Pinag-break muna niya ito for four weeks dahil nagtampo siya rito, pero nang pinababalik na niya, hindi na ito bumalik. Naiintindihan daw niya na gusto nitong mag-asawa at magkaroon ng pamilya at ang maganda, there’s no bad blood between them.

Sa Boracay pala dapat titira for six months si Kris at nag-downpayment na sa beachfront house na kanilang titirhan. Hindi nga lang siya pinayagan ng kanyang mga doctor, kaya hindi na siya matutuloy.

Nabanggit din nitong magre-rent sila ng condo habang hindi pa nakakapagdesisyon kung bibili o magpapagawa ng bahay outside Quezon City. Binenta na pala nito ang bahay niya sa Greenmeadows noong December 2020.

Alam ni Kris ang balik sa kanya ng kanyang mga pahayag, lalo na tungkol sa kanyang mga anak, pero matapang ang sagot nitong, “I’m willing to go to war because of my sons.”

Arra, hinulaang sisikat

Ang naalala namin, si Arra San Agustin ang na-link kay Ruru Madrid noong ginagawa nila ang Encantadia, kaya nagulat kami na si Shaira Diaz ang leading lady ng aktor sa first feature ng Season 2 ng I Can See You na On My Way To You.

Sabagay, kasama pa rin naman si Arra sa On My Way To You as Ruru’s bride na nang-iwan sa kanya sa altar at rason kung bakit namundok si Jerrick (Ruru). Saka, kasama rin si Arra sa Lolong na pagtatambalan din nina Ruru at Shaira.

And speaking of Arra, natupad ang dream ni director Mark Reyes na maidirehe ito. Noon pa sinasabi ni direk Mark na gusto niya itong makatrabaho at naniniwala siyang sisikat sa right time at right project dahil maganda at mahusay umarte.

vuukle comment

GARY VALENCIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with