^

Pang Movies

Suot na face shield ni Heart, worth P46k

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Suot na face shield ni Heart, worth P46k
Heart

Naglabas ang Louis Vuitton ng kanilang monogram face shield na nakalulula ang presyo na kung iku-convert daw sa peso ay aabot ng P46,000. Isa sa mga Pinoy na may LV face shield si Heart Evangelista, niregaluhan siya ng isang online shop at ipinakita pa nito ang unboxing niya sa gift sa kanyang IG Stories.

Kita sa video ang gulat ni Heart nang mabuksan ang lalagyan ng LV face shield at ang nasabi lang ay “This is so crazy. I never thought I would be wearing a Louis Vuitton  face shield, but it is a gift I will not say no to. Thank you so much.”

And speaking of Heart, inaabangan ng followers niya sa Instagram tuwing may unboxing siya ng mga natatanggap na regalo na puro branded. Lahat na yata ng international brand, may nagreregalo kay Heart, may nagtanong tuloy kung wala ba itong gamit na locally made?

In fairness to her, may mga isinusuot din namang Made in the Philippines si Heart, pero mabibilang lang dahil karamihan talaga sa isinusuot nito, ginagamit at pati nga French Fries, branded.

Anyway, inaabangan na kung kailan magsisimulang mag-taping si Heart ng GMA-7 series na I Left My Heart in Sorsogon dahil excited na ang kanyang fans at netizens na mapanood ang pagiging fashionista ni Mrs. Chiz Escudero.

Carla, pinag-iingat kay Derek

Naaliw kami sa mga nabasang comments sa balitang nag-virtual story confe­rence na ang primetime series na pagtatambalan nina Derek Ramsay at Carla Abellana sa GMA-7 na To Have and to Hold.  Pinag-iingat kasi si Carla kay Derek, ‘wag daw siya maging super close sa aktor at baka magka-isyu sila.

Kasama rin sa cast si Max Collins, pero dahil may asawa na ang aktres, hindi na siya pinayuhan ng netizens na mag-ingat kay Derek. Ganu’n din si Valeen Montenegro na may boyfriend na, kaya hindi na rin pinag-iingat kay Derek.

Bongga si Carla, katatapos lang ng Love of My Life, heto at may kasunod na agad siyang project. ‘Yun bang ninanamnam pa ng sumubaybay ang ending ng LOML, may bago na naman silang susubaybayan. 

Showtime, magre-replay muna

Nabanggit ni Vice Ganda kung bakit replays ang napapanood sa It’s Showtime kahapon, “ABS-CBN decided not to hold LIVE programs, that’s why replay muna ang shows to help the country from the surge.”

  Ang tinutukoy ni Vice na ‘surge’ ay ang patuloy na pagtaas ng mga infected ng Covid-19, kaya tigil muna ang live presentation ng kanilang show. Tamang-tama sa pagbabalik ng It’s Showtime sa bago na nilang studio, sa soundstage studio sa San Jose del Monte, Bulacan na sila magla-live.

Malou, may programa na uli

Balik-GMA-7 si Malou de Guzman na kasama sa cast ng Season 2 ng I Can See You titled  On My Way To You bilang caretaker ng mountain lodge kung saan, parehong nagbakasyon ang mga karakter nina Ruru Madrid at Shaira Diaz.

  Nagpapasalamat si Malou kay director Mark Reyes na siyang kumuha sa kanya para maging part ng cast. Thankful din siya sa warm welcome na ibinigay sa kanya ng Kapuso stars at hindi niya naramdaman na mailing sa mga nakasama.

 

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with