^

Pang Movies

Pagpi-first lady sana ni Jinkee ‘di tuloy?! Pacquiao pinaatras daw kumandidato sa 2022

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pagpi-first lady sana ni Jinkee �di tuloy?! Pacquiao pinaatras daw kumandidato sa 2022
Jinkee

Aww malabo na raw maging first lady si Jinkee Pacquiao. Ayon kasi sa isang reliable source, aatras na raw sa bakbakan sa pagka-presidente ng bansa si Sen. Manny Pacquiao sa 2022.

Diumano’y kinausap ng mga ‘kinauukulan’ ang boxing champion na ‘wag nang lumaban at itago na lang ang kanyang pera.

Nauna nang sinabi ni Sen. Pacquiao na destiny ang pagpi-presidente na may tono na ngang aatras siya. “Ang pagiging presidente ay destiny na kaloob ng Panginoon. Marami na ang nangarap pero marami na rin ang nabigo, ngunit ang hangad ko sa susunod na magiging presidente ay may tunay na malasakit at tunay na pagmamahal sa mamamayang Pilipino. Tigilan na natin ang kulay pulitika. Wala nang dilaw, wala nang pula, wala nang range, o kung anuman ang kulay mo. Maawa naman tayo sa sambayanang Pilipino,” ang buong pahayag nito sa isang video message na kumalat sa social media kahapon.

Last year pa maingay ang chikang kakandidato si Sen. Manny at diumano’y ang Chinese businessman na si Jack Ma ang susuporta rito.

Mga sinehan, museums, etc., tigil-operasyon na naman

Sarado na naman ang iilang cinemas na nag-operate middle of February para pigilan ang patuloy na pagdami ng positive cases.

Alarming ang pagtaas uli ng COVID cases matapos ngang magkaroon ng reopening sa ilang industries na naka-General Community Quarantine pa.

Bukod sa mga sinehan, kabilang sa ipinasasara muna uli ng inter-agency task-force ang driving schools, game arcades, libraries, museums, cultural events, etc.

Familiar na ‘to dahil ganitong-ganito rin ang eksena a year ago.

So kailan nga kaya makakapag-operate normally ang mga sinehan?

Anyway, kahapon ang highest single tally umpisa noong pandemic ng mga nag-positive, almost 7,200.

Kaya bawal na namang lumabas.

Ito rin ang second year na hindi muna makakapunta ng simbahan para sa Holy week.

Marian ginugulo ng alagang pusa!

Ang cute ng alagang pusa ni Marian Rivera na si George. Sa isang post niya niya after ng taping ng Tadhana, gusto raw nitong sumama sa picture. “Just finished another taping day, this one was extra meowkulit and wanted to be in the photos too!  @tadhanagma #SungitLookOfGeorge

Kahapon naman ay nasa IG story niya na hinaharot din sila ni George habang nagkukulitan sila nina Zia and Ziggy.

Si Jennylyn Mercado ang tumulong kina Marian para magkaroon ng alagang pusa.

I’m sure maingat sila Yanyan sa pusa dahil sinasabing mas nakakatakot ang rabies nito kesa sa aso.

vuukle comment

JINKEE PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with