^

Pang Movies

Maja ima-manage na ang sarili!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Maja ima-manage na ang sarili!
Maja Salvador

May sarili nang talent management si Maja Salvador at ang una niyang artist ay ang sarili niya. Inanunsyo ng aktres sa kanyang Instagram page last Tuesday na siya na ang magma-manage ng kanyang sarili at kasabay nga nito ang pagtatatag ng sarili niyang agency. “Ako po ay sobrang excited sa bagong yugto ng aking career at makita kung saan ako nito dadalhin. Sa aking pagpapatuloy dito sa industriya, I think the best move for me now is to manage myself. At para magawa ko po ito successfully, I put up Crown Artist Management Inc., @crownartistmgmt kasama ang mga tao na malapit sa puso ko,” ang simula ng post ni Maja.

Pagkatapos nito ay nagpasalamat ang aktres sa Star Magic na matagal na panahon din niyang talent management gayundin sa ABS-CBN na naging bahay  niya simula nang pumasok siya sa showbiz. “I’m forever grateful for all the love I’ve been given by my Star Magic family, and the opportunities I’ve been blessed with working with very talented people in the industry.

“Kung sino ako ngayon, I owe to them and ABS-CBN dahil sa kanilang pag gabay at pagtiwala sa aking kakayanan. Sa malaking hakbang na ito with my own management company sana tuloy-tuloy niyo pa din po akong suportahan in this new journey of mine trying to make other people’s dreams come true as well, tulad na lang ng pagtupad niyo ng sarili kong pangarap. Maraming salamat po,” pahayag ni Maja.

Kyle, naapektuhan ang mental health

Aminado naman si Kyle Echarri na talagang naapektuhan din ang mental health niya sa dinaranas nating pandemic ngayon. Good thing, hindi naman siya pinabayaan ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN dahil heto nga’t may bago silang malaking proyekto ng The Gold Squad, ang upcoming teleserye na Huwag Kang Mangamba. “Itong pandemic masasabi ko na it didn’t just prepare me for this role, it prepared me for the future as a person.

“At least yung pandemic nakatulong sa akin in a way na before this, before the pandemic masasabi ko talaga na my mental health was not the best. Like when it comes to happiness, it wasn’t where I wanted it to be,” ani Kyle sa nakaraang virtual mediacon para sa Huwag Kang Mangamba.

“And masasabi ko na nakatulong talaga itong pandemic na ito in order to prepare me for future projects and kung ano pang mararating sa akin,” sabi pa ng young actor.

Magsisimula na sa March 22 ang Huwag Kang Mangamba sa Kapamilya Channel, TV5 and A2Z.

Yaya, sinuportahan

Tinutukan at pinag-usapan ang world premiere ng pinakabagong GMA primetime series na First Yaya nitong Lunes (March 15) kung saan tampok ang fresh team-up nina Gabby Concepcion bilang President Glenn at Sanya Lopez bilang Yaya Melody.

Bukod kasi sa nakamit ng serye ang third spot sa Philippine Twitter trends kagabi, nakapagtala rin ang First Yaya ng overnight NUTAM People rating na 23 percent mula sa tatlong channels (GMA 7, GMA Heart of Asia at GTV) base sa data ng Nielsen Phils.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with