^

Pang Movies

Mga dating taga-Star Magic, tutulong...

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi naman siguro masasabing nagkasamaan ng loob, dahil sinabi naman ni Maja Salvador na pinag-usapan nila ang pagtanggap niya ng show sa TV5, at iyon ay dahil sa kanyang tiwala at pagtanaw ng utang na loob kay Johnny Manahan. Ikalawang punto, nakasagot na nga raw siya kay Mr. M bago nag-offer ang ABS-CBN na siya na ang gumawa ng isang serye na gagawin sana ni Bea Alonzo. Payag naman daw siyang saluhin ang project kaya lang ayaw naman niyang masira ang una niyang binitiwang salita kay Mr. M, na ginawa niya dahil wala naman siyang project noon sa ABS-CBN.

Nagsabi pa nga raw siya na siguro makatakbo lang nang isa o dalawang season ang show ay maaari na siyang magpaalam para gawin ang serye kung puwede pa.

Nauna riyan, may narinig din naman kami tungkol kay Piolo Pascual, na diumano desidido ring magbalik sa ABS-CBN, kaya nga lang gusto rin niyang makatulong muna kay Mr. M at sa mga dati nilang kasama na nawalan ng trabaho matapos na hindi nga makakuha ng franchise ang kanilang network. Pero iyon nga eh, bigla na ring pinatay ang show nila nang wala sa panahon kaya displaced din sila.

Sa kaso ni Maja, sinabi rin niyang expired na ang kanyang kontrata sa ABS-CBN. At bago pa man mag-expire iyon ay kasama na siya sa talents na pinapayagan nang lumabas sa iba, dahil wala na ngang katiyakan kung kailan magbubukas ulit ang kanilang network. Maliwanag na pinakawalan na siya dahil hindi na ni-renew ang kanyang kontrata.

Ngayong wala siyang trabaho, at ang grupo naman ni Piolo ay nag-produce ng isang serye na ipapalabas din sa TV5. Bakit nga naman hindi niya tatanggapin iyon eh kailangan din naman niyang kumita para sa kanyang pamilya, at wala namang offer ang dati niyang network.

Naisipan na rin niyang magtayo ng sarili niyang talent management company para mangalaga rin sa kanyang career at sinasabi niyang makakatulong niya ang mga dati niyang kasama, siguro nga mga dating tauhan din ng Star Magic na natanggal din.

John Lloyd, nagpakalbo na naman!

Kalbo na naman si John Lloyd Cruz. Naglabasan sa social media ang bago niyang photos na kuha raw sa Sorsogon kung saan siya may ginagawang isang experimental film. Sinasabi niyang nang makita niya ang kuwento ng pelikula ay hindi na niya nabitiwan iyon kaya nagdesisyon siyang iyon ang kanyang ma­ging comeback movie, sa halip noong nai-announce ng Star Cinema na pelikulang pagtatambalan nila si Bea Alonzo.

Iyon din naman ang dahilan kung bakit nagkaroon muna ng pagkakataon si Bea na gawin ang pelikulang pagtatambalan nila ni Alden Richards. Pero kapansin-pansin na sa pelikulang iyan ni Bea ay walang partisipasyon ang ABS-CBN. Magkasosyo sa proyektong iyon ang APT, Viva at GMA Films.

Marami ang nagsasabing isang malaking sugal ang pinasok ni John Lloyd, dahil tiyak na ang ginagawa niya ay hindi isang commercial movie. Puwede sigurong isabak sa festivals sa abroad at ipalabas nga sa internet, tutal naman sarado pa ang mga sinehan.

Male star, hindi nakatanggi sa baklang event organizer

Nagkita sa isang coffee shop ang isang male star at isang gay na event ­organizer dahil magkakilala naman nagkakuwentuhan sila, hanggang sa umabot ang kuwento sa sinasabing pakikipag-date ng male star sa isang millionaire na gay realtor na hindi na nagawang itanggi iyon ng male star dahil alam naman niyang nasa inner circle din ang event organizer at tiyak na nalaman nga niya iyon. Kinumbinsi ng event organizer ang male star na tutal nagkita na rin sila, hindi man sinasadya, ituloy na nila iyon sa isangdate. Hindi na rin nakatanggi ang male star.
Hindi ganoon kalaki ang “ibinigay” sa kanya ng event organizer, pero ok na rin daw kaysa sa wala.

 

vuukle comment

STAR MAGIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with