^

Pang Movies

Tessie, naabutan pang buhay ang ina

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Tessie, naabutan pang buhay ang ina
Tessie at Laura

Sumakabilang-buhay kahapon (March 16) ang 92-year-old mother ng host-actress-comedienne at YouTuber na si Tessie Tomas, ang veteran radio talent and actress na si Laura Hermosa dahil sa kidney failure at iba pang komplikasyon.

She was also a COVID-19 survivor at labing-apat na araw na na-confine sa pagamutan at na-discharge last February 20. Duma­ting naman sa bansa si Tessie noong February 3 galing sa Isle of Man sa United Kingdom kung saan siya ngayon naka-base with her retired British husband na si Roger Pullin.

Laura had severe COVID-19 last month pero ito’y naka-survive kaya ganoon na lamang ang tuwa ni Tessie at iba niyang mga kaanak. Dahil kailangan ding mag-isolate ni Tessie na galing sa ibang bansa, noong February 20 lamang sila nagkita ng kanyang ina na siya ring araw ng paglabas nito sa pagamutan.

Ayon kay Tessie, she was ready for the worst na baka hindi na muli niyang makita ang kanyang ina na buhay.  She prayed hard at dininig ng Diyos ang kanyang panalangin na gumaling ito at muli silang magkita. “I let go and I let God,” pagbabahagi ni Tessie sa kanyang YouTube channel, ang TessTube.

Bukod kay Tessie, si Laura ay may isa pang anak, si Leo Hermosa, na nag-artista rin noon.

Ipinagpapasalamat ni Tessie na nakita pa niyang buhay ang kanyang ina bago ito binawian ng buhay kahapon.

Mula sa amin dito sa Pang-Masa, ang aming taos pusong pakikiramay.

Anne, hindi pa rin nagpaparamdam sa Showtime

Marami ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagre-report sa It’s Showtime si Anne Curtis considering na noong nakaraang buwan pa ito nakabalik sa bansa kasama ang kanyang mister na si Erwan Heussaff at anak nilang si Dahlia Amelie who turned one year old last March 2.

Mahigit isang taon at tatlong buwan na ring wala si Anne sa It’s Showtime magmula nang ito’y mag-maternity leave sa programa at magtungo ng Melbourne, Australia para doon isilang ang baby nila ni Erwan.

Bukod sa It’s Showtime, naghihintay na rin ang Viva ng kanyang go signal para magsimulang mag-shooting ng bagong movie at bagong TV endorsements.

 

vuukle comment

TESSIE TOMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with