^

Pang Movies

Voice acting, malakas ang impact sa manonood

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Now ko na-realize na ang laki pala talagang bagay ang voice acting. Iyon bang ‘pag nanood ka at ang husay ng delivery ng dialogue, feel na feel mo talaga ‘yung pain at lungkot sa pagsasalita ng gumanap. Kaya pala most of the time, ‘yung narration sa pelikula, madalas ang lakas ng dating dahil nga sa ganda ng pagkaka-deliver ng linya.

Balikan mo ang Kita Kita, isa sa reason kung bakit nadala ka ng istorya ay ‘yung narration ni Alex de Rossi, na para bang habang kinukuwento niya ang story nila ni Empoy Marquez, parang very painful sa kanya, feel mo ang love niya, panghihinayang at lungkot.

Ang laki nang nagawa ng narrative part para madala ang audience sa drama­tic impact ng istorya. Kaya pala maganda na buo at masarap sa tainga ang sound ng boses ng isang artista, iyon bang kahit nakapikit ka, ‘pag nagsalita at narinig mo, makikita mo sa utak mo ang nagaganap. Dapat pala, kahit ‘yung boses alam mo ang dapat na pitch o tono, para mas maganda.

Voice acting, ‘yung pati ang boses ay marunong umarte, parang singer, puwede kang iduyan ng boses nila. Kaya dapat pati boses kasama sa titingnan mo para sa quality ng isang mahusay na artista. 

Mas mahigpit na health protocols, ipatutupad na naman

Alarming na naman ang mga balita na baka magkaroon ng mga bagong paghihigpit dahil nga sa pagtaas na naman ng record ng COVID-19. Ang dami nang trabaho ang naapektuhan nito, lalo na nga ang mga taping. Wala na ngang nagsu-shooting halos na pelikula, for a while, tigil muna ang showbiz, now heto na naman ang mga balita tungkol sa mga strict protocols at curfew. Huwag naman sana dahil talagang hirap nang bumangon ang showbiz. Kawawa naman ‘yung iba na wala talagang trabaho na puwedeng gawin.

‘Yung mga artistang puwede pang mag-survive, pero ‘yung ibang sektor, talagang hilahod na sa hirap. Mga technician, mga nasa field na natanggal dahil cost cutting, lahat ng adjustments ginawa na para lang mag-survive ang lahat. Another lockdown will surely affect more. Sad naman dahil talagang parang matagal pa bago natin maayos ang nangyayari. Pero sana magawan ng paraan na ayusin nang hindi na hihinto pa ang trabaho. Face the problem head on na lang, huwag na ‘yung hihinto pa sa trabaho.

Tutal naman, andiyan na ang COVID-19 at ayaw na yatang umalis, so harapin na siya noh, iwas tayo nang iwas, ganun din naman, tumatama pa rin siya, eh ‘di harapin na. Dasal na huwag tamaan, alagaan ang sarili, gawin ang nararapat, basta tuloy lang ang buhay. No more lockdown, no more fear, face it, fight it. Malay mo, baka mas makabuti pa, dahil busy, hindi kayanin ni CO­VID-19. Dapat lakasan ang loob, or else, magwi-win ang virus. 

vuukle comment

EMPOY MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with