^

Pang Movies

Anak nina Anne at Solenn, mga fashionista agad

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Maraming netizens ang na-cute-an sa pagkikita ng mga anak nina Anne Curtis at Solenn Heussaff na sina Dahlia Amelie at Thylane Katana.

Same year pinanganak ang magpinsan, pero dahil sa pandemic, one year ang dumaan bago sila nagkitang dalawa.

Pinanganak ni Solenn si Thylane or Tili dito sa Pilipinas noong January 2020 at Australia naman sinilang ni Anne si Dahlia noong March 2020.

Parehong one-year old na sina Tili at Dahlia at makikita na sa kanila ang namana nilang ganda at pagiging fashionista mula sa kanilang mga ina. Si Tili ay may dugong Filipino-French-Argentine samantalang si Dahlia ay mixed ng Filipino-French-Australian.

Dahil papauwi pa lang from Argentina ang daddy ni Tili na si Nico Bolzico, ang uncle Erwan Heussaff muna ang tumutulong sa sister niyang si Solenn na mag-alaga kay Tili at kalaro nito ang pinsang si Dahlia.

Maxine, hindi pa inaalok ng kasal ng dyowang surfer

In love ngayon si Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina sa isang non-showbiz guy. Ang name ng guy na nagpapasaya sa kanya ay Timmy Llana.

June 2020 nang i-reveal ni Maxine ang relasyon niya kay Timmy na isang diving instructor. Noong December 2020 nag-celebrate sila ng kanilang first anniversary kung saan binigyan si Maxine ng singsing ni Timmy  na promise ring at hindi raw engagement ring. Hindi raw niya pine-pressure ang boyfriend niya na mag-propose sa kanya. “There’s no rush naman because we both have our careers to look after. Siguro kung magse-settle down ako, around the age of 34. By that time ay ready na ako to get married and have kids,” sey ng 30-year old former beauty queen.

Noong 2018 ay nakipaghiwalay si Maxine sa boyfriend niya of seven years na si Marx Topacio. Pero friends pa rin daw sila. Hindi na binanggit ni Maxine and reason ng breakup nila.

Anyway, kontrabida ang role ni Maxine sa GMA primetime teleserye na First Yaya. Aapihin daw niya ang bida rito na si Sanya Lopez.

Inamin ni Maxine na nahirapan siyang taray-tarayan si Sanya dahil in real life ay hindi siya mataray at siya pa raw ang binu-bully noon.

Dating mag-asawang sina Kim at Kanye, wala nang direktang komunikasyon

Wala na raw direct communication si Kim Kardashian sa kanyang estranged husband na si Kanye West simula noong mag-file ito ng divorce.

Nagpalit ng kanyang phone number si Kanye kaya hindi na ito direktang nakakausap ni Kim at dumadaan siya sa lawyer or security nito kapag may kailangan siyang itanong, lalo pagdating sa mga anak nila.

Noong February 2021 nag-file si Kim ng divorce. Napagkasunduan nila ni Kanye na magiging co-parents sila sa kanilang mga anak na sina North, Saint, Chicago and Psalm. Pero ni-request din ng reality star ang joint legal and physical custody of the kids.

Ayon sa isang source ng Page Six: “Even before Kim filed for divorce, Kanye changed his numbers and said, ‘You can contact me through my security.’ Despite this, she trusts him around the kids. He loves them and is seeing a lot of them. She leaves the house and he arrives and hangs out with the kids. They have an army of nannies so the transition is easy.”

Kay Kim na rin ibinigay ni Kanye ang family home nila sa Hidden Hills, a gated community in the Santa Monica Mountains area of L.A.

Samantalang sa kanya 1,400 acre ranch sa Wyoming nakatira si Kanye.

vuukle comment

ANNE CURTIS

SOLENN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with