^

Pang Movies

Rhen, pinanghinayangan ni Coco

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Nakapagtala ng all-time high ang viewers na tumutok sa Thursday, March 11 episode ng top-rating and long-running action-drama TV series na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin kung saan binaril ni Lily (played by Lorna Tolentino) si Cardo Dalisay (Coco) pero sa kasamaang palad ay si Clarice Padua (Rhen Escaño) ang tinamaan na siyang ikinamatay nito.

Tuluyan na ngang nagpaalam ang character ni Clarice sa Ang Probinsyano, na noong umapisa ay kinainisan at kinamuhian pero sa kalaunan ay kinalugdan at kinaawaan. Sobrang nag-grow at nag-progress ang character na ginampanan ni Rhen sa tulong na rin ni Coco who developed her into a fine actress.

Dapat sana’y guest appearance lamang si Rhen sa Ang Probinsyano pero tumagal ito nang isang taon at dalawang buwan.  At kung si Coco lamang ang nasunod, ayaw pa niyang pakawalan si Rhen lalo pa’t wala na rin si Yassi Pressman sa serye na siya namang gumanap sa role ni Alyana, ang namayapang wife ni Cardo. 

Mabigat din sa loob ni Rhen na iwanan ang ser­yeng sobrang napamahal sa kanya pero kailangan niya itong gawin dahil sa iba pang proyekto na kailangan niyang simulan sa bakuran ng Viva.

Any day this month ay sisimulan niya ang The Other Wife na pagsasamahan nila nina Lovi Poe at Joem Bascon sa direksiyon ni Prime Cruz. May dalawa pa siyang movie na playdate na lamang ang hinihintay, ang Spellbound, local adaptation ng Korean hit movie at may gagawin din siya sa Ten17P ni Direk Paul Soriano and an international movie na kukunan sa Singapore sa loob ng isang buwan at kung saan naman niya magiging leading man ang isang Vietnamese actor.

Kung titingnan, mukhang si Rhen na ang next important star sa bakuran ng Viva.

Meghan, inaming muntik nang mag-suicide

Kung marami ang nainggit kay Meghan Markle nang mapangasawa nito si Prince Harry at mapabilang sa royal family, ngayon naman ay marami ang naawa sa dating Suits star dahil nagkaroon ito ng depression dahil sa pagtrato sa kanya at kanyang anak na si Archie ng ilang miyembro ng royal family dahil sa biracial na pinagmulan. Ang kanyang inang si Doria Ragland ay isang African-American kaya itim ito.

Pumasok din pala kay Meghan ang idea ng pagsu-suicide dahil hindi niya matanggap ang pagtrato sa kanya sa loob ng palasyo. Alam ni Prince Harry ang pinagdaanan ni Meghan kaya hindi ito nag-atubili na talikuran ang marangyang buhay na kinagisnan at kinalakihan to be with his wife and son at sa kanilang baby girl na malapit nang isilang.

Noong nakaraang July 2020 ay nagka-miscarriage si Meghan at sobra silang devastated ni Prince Harry pero muling nabuntis ang dating American actress at isisilang na ang kanilang second child ngayong summer sa Amerika.

Ngayong hindi na umaasa sina Prince Harry at Meghan sa suporta ng British royal family, natuto silang maging independent sa kanilang finances at palalakihin ang kanilang mga anak sa normal na pamamaraan at pribadong buhay.

Dahil mahigit isang taon na silang tumalikod sa royal family, adjusted na ang mag-asawa maging ang kanilang anak na si Archie. Nagustuhan din umano ni Prince Harry ang atmosphere ng California.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with