^

Pang Movies

Meghan, hindi na dapat nagsalita sa interbyu

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Meghan, hindi na dapat nagsalita sa interbyu
Meghan at Prince Harry

Sad naman ako na inakalang racist ang opinyon ko sa Prince Harry at Meghan Markle love story na unfolding ngayon dahil sa royal disagreement.

How can an old, brown Filipino like me be a racist? In fact, sobra ngang romantic para sa akin ang love affair nina Prince Harry at Meghan.

Naku noh, black nga ang pamangkin kong si Joan Bonner, mulatto ang asawa ni Apple na si Dimair, at favorite actor ko si Denzel Washington. Hindi nga ako intimidated ng color, at wala akong paki sa kulay ng balat.

Facts naman ‘yung sinabi ko, hindi naman superstar si Meghan, diborsiyada naman talaga siya, at ‘di ba halo ang lahi niya?

So, how can it be a racist? Ang point ko, lahat ng bagay na ginagawa natin at tinatanggap, may consequences sa buhay natin.

Tinanggap mong maging asawa ng isang royal blood, o ‘di mag-adjust ka sa buhay na iyon.

‘Yung isang hari na iniwan ang throne para magpakasal sa isang divorcee, tahimik namuhay, walang naging statement na naging dahilan para maintriga ang pamilya na pinakasalan niya, bakit hindi ganun ang ginawa ni Meghan? Bakit kailangang dagdagan ang apoy sa interview? Quiet life? Bakit hindi naging quiet na lang? Lalo pa ngang naging maingay ‘di bah?

Naku ewan ko ba, dapat kasi hindi na ako nagbibigay ng opinyon  dahil hindi naman ako royal blood, hah hah, wala naman akong makukuhang envelope mula sa Buckingham Palace, at hindi naman ako mai-invite sa presscon ni Prince Harry at Meghan, at wala naman ibibigay sa aking giveaway ang London, so hihinto na ako rito.

Basta, at least nakita ko sa panahon ko ang love na tulad nito, very inspi­ring, sana good, happy ending noh ! Huwag nang lagyan ng dagdag na twist, sobra na sa subplot. Tama na, sakto na. Racist my foot, at least bago sa harbat, hah hah.

vuukle comment

PRINCE HARRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with