^

Pang Movies

Dingdong, naloka sa ginawa ni Zia

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Dingdong, naloka sa ginawa ni Zia
Dingdong at Zia

Naaliw kami sa kuwento ni Marian Rivera tungkol sa panganay nila ni Dingdong Dantes sa isa nilang bakasyon na naligo sila sa dagat. Enjoy sa pagsu-swimming ang mag-ama, kaya lang, pag-ahon nina Dingdong at Zia, may nakita raw si Zia na babae na umahon din galing sa dagat.

Nakangiti pa raw si Zia nang batiin ang babae ng “Hello, old Lady!” Naloka raw si Dingdong sa greetings ni Zia sa babae at kulang na lang, bumalik siya sa dagat sa sobrang hiya. Mabuti na lang daw at hindi nagalit o na-offend ang babae.

After that incident, inupo nila si Zia at sinabihan kung ano ang mali niya sa greetings sa babae. Nakinig naman ang anak and hopefully, hindi na nga maulit.

Sa event ng Nido, ikinuwento ni Marian ang aliw na ginawa ni Zia, kung saan, endorsers sila ng anak ng milk for the growing kid.

Still on Zia, ang daming nakyutan sa video nina Dingdong at Zia pa rin kung saan, sine-shave ni Zia ang bigote at goatee ni Dingdong gamit ang electric razor. May kapilyahang tinanong ni Zia ang ama ng “what happen if I shave your upper lip?” na ininatawa ni Dingdong.

Samantala, 90th birthday ng lola ni Marian noong isang araw at nakasama nito sina Marian, Sixto at Zia sa kanyang intimate birthday party.

Marjorie at kapatid ni Julia, pinagbibintangang kasabwat sa pagsisinungaling

Ang sagot ni Dani Barretto na “saan kami pupunta? HAHAHAHAHA,” sa comment ng isang netizen na lumabas na sina Dani at Marjorie Barretto ngayong inamin na nina Gerald Anderson at Julia Barretto ang kanilang relasyon.

Kinunsinti raw kasi nina Marjorie at Dani ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa, kinunsinting itago muna kahit alam na nila ang totoo. Natural lang naman ‘yun dahil pamilya ni Julia sina Dani at Marjorie.

Hindi lang naman kina Dani at Marjorie galit ang netizens at fans, pati sa mga kaibigang artista nina Ge­rald at Julia kabilang sina Rayver Cruz, Issa Pressman at Dianne Medina. Tinawag pang enabler, kunsintidor at laos si Rayver dahil lang nag-comment ng three emojis.

May nag-comment na ‘wag din niyang igu-ghosting si Janine Gutierrez at kaya raw iniwan siya ni Janine sa GMA 7 dahil wala na siyang career. Kasalanan daw ni Rayver na sa birthday party niya noong 2018 pa yata unang nakitang magkasama in public sina Gerald at Julia.

Pilar, pahihirapan si Sanya

Kasama sa cast ng First Yaya ang veteran actress na si Pilar Pilapil bilang mother ni Gabby Concepcion. First lock-in experience ‘yun ni Pilar at  gusto niya ang naranasan. Tuluy-tuloy daw ang trabaho, walang nale-late dahil buong cast, nasa location na at masaya silang nagtrabaho.

Kontrabida ang role ni Pilar sa First Yaya at hindi lang daw kontrabida, kundi kontrabidang-kontrabida at pahihirapan niya si Sanya. Off-cam, magkakasundo silang lahat at sumasali pa raw sya sa TikTok ng younger co-stars niya.

“Ang request ko lang, ‘wag na nilang ipalabas ang TikTok na kasama ako,” at sinundan ng tawa ni Pilar ang sinabi.

Anyway, sa March 15, na ang world premiere ng First Yaya na sabi ni Pilar, magugustuhan dahil iba ang story, magaganda ang locations, kabilang ang Manila Hotel at Thunderbird Resort sa La Union. Dalawa rin ang directors - sina LA Madridejos at Rechie del Carmen.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with