^

Pang Movies

Janella at Markus, raraket na uli!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Janella at Markus, raraket na uli!
Janella

Kahit parehong 22 years old lamang ang mag-partner na sina Janella Salvador at Markus Paterson, parehong aminado ang dalawa na ang pagdating sa kanilang buhay ni Baby Jude Trevor Paterson ang maituturing nilang biggest blessing.

Ang young couple at si Baby Jude na isinilang sa United Kingdom noong October 20, 2020 ay nakabalik na sa Pilipinas last month para ipagpatuloy ang kanilang respective career.

Umaasa rin ang young couple na sa kabila ng kanilang pagkakaroon ng anak ay hindi ito magiging hadlang sa patuloy na pag-usad ng kanilang magkahiwalay na karera.

Dionne at Ryan, kinasal na

It was only early this year nang lumipad patungong Switzerland ng ex-Pinoy Big Brother housemate- actress na si Dionne Monsanto to visit her Filipino-Swiss businessman boyfriend na si Ryan Stalder na matagal niyang hindi nakita dahil sa pandemya. While in Switzerand, nag-propose sa kanya ang boyfriend at kasunod na rito ang kanyang desisyon na talikuran na ang kanyang 18-year-old showbiz career sa Pilipinas dahil doon na siya mamimirmihan.

Last March 8, Dionne and Ryan had an intimate wedding ceremony in Switzerland at malamang doon na rin sila mag-base although magpapabalik-balik sila ng Pilipinas dahil may binuksang coffee shop si Ryan sa Siargao Island before the pandemic.

Elizabeth, hindi makalimutan si Dante Rivero

Hindi alam ng marami na ang first and greatest love ng award-winning veteran actress, former beauty queen, doctor, painter, pet lover, underwater photographer and scuba diver na si Elizabeth Oropesa ay ang veteran award-winning actor na si Dante Rivero.  Ang dalawa ay may isang anak, si Louie.

Naging `virgin bride’ si Elizabeth at age 16,  na­ging ina at 17 at nabiyuda sa edad na 21.

Ayon sa aktres, dalawang beses lamang umano siya ikinasal, una sa kanyang namayapang husband at pangalawa sa Chinese martial arts actor na si Meng Fei habang ang iba ay maituturing na `ceremonial wedding’ lamang.

Si Elizabeth ang first wife ni Meng Fei kung kanino siya may isang anak na si Gabriel. Sampung taon lamang tumagal ang kanilang pagsasama at si Elizabeth na ang nakipaghiwalay sa dating mister at bumalik ng Pilipinas bitbit ang anak na si Gabriel.

Tinalikuran noon ni Elizabeth ang kanyang showbiz career para maging plain housewife kay Meng Fei na hindi naman tumigil sa pagiging babaero at ayaw din niyang magbalik-showbiz ang dating misis.

Si Elizabeth ay may apat na anak sa magkakaibang ama at lahat ay nakapagtapos ng pag-aaral at lahat professional.

At 66, wala pa sa bokabularyo ng grand slam Best Actress (for the movie Bulaklak ng Maynila in 1999) na mag-retire dahil ito “I’m so blessed na hindi ako nawawalan ng proyekto,” aniya.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with