^

Pang Movies

Kris, magpapalit ng voter’s registration

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kris, magpapalit ng voter�s registration
Kris

Nagbago na pala ng plano si Kris Aquino kung saan siya susunod na lilipat ng tirahan.  Kung dati ang gusto niya ay bumili ng isang beachfront house, na titirahan niya nang ilang buwan, hanggang sa makahanap siya ng susunod na titirahan para malayo siya sa city, ngayon ay nagdesisyon na siyang gusto na niyang permanently, manirahan na sa kanila sa Tarlac. 

Marami na siyang kinu-consider na locations sa Tarlac, dahil gusto na rin niya talagang lumayo sa city, at ang balak niya ay bibisitahin lamang niya every six weeks ang panganay niyang si Josh, na nakatira na sa Tarlac kasama ni former President Noynoy Aquino, at ayaw nang sumama sa kanila ng bunso niyang si Bimby.

“Cards on the table, I was readying to switch my voter’s registration to Sitio Alto, Barangay Central, Tarlac,” Instagram post ni Kris last Monday, March 8.

Mga Kapuso teleserye sunud-sunod ang pagtatapos

Sunud-sunod nang nagtatapos ang mga GMA afternoon prime at primetime teleseryes, kaya naman excited na rin ang netizens na malaman ang mga kaganapan sa bawat serye na magtatapos na.

Tinututukan tuwing 2:30 p.m. ang Magkaagaw nina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Klea Pineda at Jeric Gonzales dahil gusto nilang malaman kung paano ipagtatanggol ni Clarisse (Klea) ang karapatan niya sa asawang si Jio (Jeric) at patunayan ang mga kasalanan ni Veron (Sheryl) sa kanya at sa kanyang inang si Laura (Sunshine).

Kasunod na ring magtatapos ang Bilangin ang Bituin Sa Langit nina Ms. Nora Aunor, Mylene Dizon, Kyline Alcantara, Zoren Legaspi, Ina Feleo, Yasser Mata at Isabel Rivas. Maraming revelations na magaganap sa mga tauhan ng serye na dinidirek ni Laurice Guillen, na napapanood at 4:15 p.m. sa GMA 7.

At sa ami rin ng bagong teleseryes ng GMA Network, anu-ano kaya ang ipapalit sa dalawang afternoon prime at sa sa dalawang primetime telebabad na Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday na finale week na ngayon at Love of My Life na nasa last two weeks of airing na.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with