Cristine, umaming nag-mellow na sa kamalditahan!
Chika ni Cristine Reyes na hindi siya nag-maldita kay Diego Loyzaga kung saan bida sila sa Pinoy adaptation ng K-drama na Encounter na pinagbidahan nina Park Bo-gum and Song Hye-Kyo. “Kasi sa iba, Very maldita ako,” pag-amin ni Cristine sa virtual media conference kahapon.
Na sinusugan ng kanilang director na si Jeffrey Jeturian : “Totoo, ibang-iba na siya rito. I worked before with her nung maldita pa siya, kaya when I was told siya ang artista ko rito, sabi ko, naku, mamomroblema yata ako. But I was surprised kasi she’s more mature now, more professional and more considerate of her co-workers.”
So anong naging rason at nag-mellow siya, tanong sa actress sa ginanap na virtual media conference kahapon?
“Siguro you just grow as a person, you have to learn how to be better and don’t just get stuck there. When it’s not good, why will you stay there? So it’s a progress for me that I’m working on. Also, when I had my daughter, Amara, then I became a single mom, I had to work harder and I know I had to change.”
Samantala, pareho nilang napanood ang original version ng Encounter at pakiramdam ni Cristine, matindi ang pressure para magandahan ang manonood sa kanilang ginawa.
Kasi ito ‘yung first project ng ex-wife ni Song Joong-ki pagkatapos ng controversial nilang hiwalayan. Kaya talagang ang daming nag-abang nito hindi lang sa Korea, kundi maging dito sa Pilipinas.
Nakuha ng Viva Entertainment ang rights nito sa local adaptation at ngayon nga ay for airing na.
Kung walang pandemic, sinabi ni Direk Jeffrey na sa Cuba sana sila magsu-shooting kung saan nga kinunan ang original version nito.
Mag-uumpisang mapanood ang local adaptation sa March 20 – Cristine plays the role of Selene, CEO of Hotel d’ Trevin, na anak ng prominent politician na napilitang pakasalan ang anak ng isang business tycoon pero hindi nagtagal ay nag-divorce sila.
Gagampanan naman ni Diego ang role ni Gino, a young and free-spirited random stranger, who on a chanced encounter falls in love with Selena.
Since hindi sila nakapag-travel abroad, naging backdrops sa local adaptation ang Ilocos and Subic
Eere ito every Saturday at 8 p.m. on TV5. Catch-up episodes will also air every Sunday, 9 p.m. starting March 21 on Sari Sari Cignal TV CH. 3 and SatLite CH. 30. Encounter can also be watched Live and On-demand via Cignal Play App.
- Latest