^

Pang Movies

Alden, hindi na dapat ipilit kay Maine

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Alden, hindi na dapat ipilit kay Maine
Aldub

Marami ang nagtataka kung bakit hindi si Alden Richards ang kinuhang guest ni Maine Mendoza sa Daddy’s Gurl on her birthday celebration. Kinukuwestyon kung bakit si Arjo Atayde at kung personal na kahilingan daw kaya ito ni Maine?

Well, hindi naman si Maine ang humiling na kuning guest si Arjo kundi ang producer.

Mukha raw hindi na kinakagat kung si Alden ang pilit na ipapareha kay Maine. Napapadalas kasing napapabalita sina Maine at Arjo bilang magkarelasyon ngayon at isa pa, itatambal si Bea Alonzo kay Alden sa isang pelikula kaya nag-decide na ang mga ito na kunin si Arjo na nagpapasaya naman talaga kay Maine.

Panahon na rin para itigil na ang ilusyon ng AlDub fans tungkol kina Maine at Alden.

Comeback movie ni Sharon tapos na

Magandang balita na tapos na ang comeback movie ni Megastar Sharon Cuneta through Viva Films.

Mataas ang expectation ng lahat sa pelikulang ito ni Mega dahil inalagaan ng Viva si Mega for 20 years kaya hindi nila ito bibigyan ng pipitsuging pelikula.

Nagbubunyi tiyak ang mga Sharonian kapag ipinalabas ito sa mga sinehan kung sakaling magbukas na.

Pamalit sa mga lumang jeep sa Bulacan, nakahanda na

Sumakay pala nang personal si Bulacan Governor Daniel Fernando sa mga makabagong jumbo jeep na ipapalit sa mga luma at kakarag-karag na jeep sa bayan ng Bulacan.

Kasama niyang sinubukang sumakay si board member Alex Castro. Kuwento ng taga-Radyo Kapitolyo ng Malolos, Bulacan na si Maricel Cruz, sobrang down to earth at magaling makisama si Gov. Daniel kaya malapit sa kanya ang mga kababayan.

Inaasikaso na rin nito ngayon ang bakuna para sa mga taga-Bulacan panlaban sa COVID-19.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with