^

Pang Movies

Ilonah Jean, nagka-COVID sa Amerika

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Ilonah Jean, nagka-COVID sa Amerika

Making waves ang TikTok ng younger sister ni Ilonah Jean na si Irene Jean Santos. Marami siyang TikTok videos at marami ring followers ang kada video na ina-upload nito. Maganda kasi ang katawan ni Irene na isang international star.

Ayon kay Irene, as of now wala raw muna siyang trabaho kaya naaalagaan ang katawan. No wonder maganda ang figure nito.

Naikuwento rin ni Irene na na-COVID pala ang sister niyang si Ilonah na nasa States. In fairness, gumaling naman agad si Ilonah at doing very well na ngayon.

Huling napanood si Ilonah noong nagbabakasyon pa siya rito sa Pilipinas sa The Killer Bride.

Andrea, sinuwerte nang mahiwalay kay Derek

Maraming nakapuna na mukhang naka-move on na si Andrea Torres. Nag-guest si Andrea sa Tutok To Win ni Willie Revillame. Sumayaw at kumanta si Andrea kasama si Michelle Gumabao.

May komentong mukhang blessing in disguise ang breakup nila ni Derek Ramsay. Noong sila pa kasi pulos pag-iibigan lang at wala masyadong project na dumarating kay Andrea pero ngayon ay sunud-sunod ang offer na project at isa nga siya sa bida ng The Legal Wives kasama sina Dennis Trillo, Alice Dixson at Bianca Umali.

Fans nalulungkot sa pagbababu ni Cardo

Batang Quiapo ang susunod na gagawin ni Coco Martin ‘pag natapos na raw ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Malapit na silang magkaharap-harap nina Lorna Tolentino, Tirso Cruz III at Richard Gutierrez sa istorya. Kaya kinasasabikan na ang mga kaabang-abang na eksena.

 Ngayon palang ay marami nang nalulungkot sa nalalapit na pagtatapos ng serye lalo na’t hindi na nila ito napanood sa free TV.

Anak ni Waray… nagtipid sa ibang tauhan

Matinding labanan ang nagaganap sa pagitan ng mga karakter nina Dina Bonnevie at Snooky Serna sa seryeng Anak ni Waray vs Anak ni Biday. Nagpapalitan ng masasakit na salita at muntik-muntikan nang magkasakitan ang dalawa.

Ganito rin ang feeling ng mga gumaganap na anak nila na sina Barbie Forteza at Kate Valdez na magkaribal sa pag-ibig ng karakter ni Migo Adecer na anak ni Jean Saburit sa istorya. Gumaganap namang ama nina Barbie at Kate si Jay Manalo.

All star cast talaga ang serye kaya no wonder maraming sumusubaybay.

May mga nagtatanong nga lang na viewers ng serye kung bakit parang tinipid daw ang mag-inang gumanap na nakakaalam kung sino ang tunay na anak ni Snooky at Dina nang magkapalit sila noong magkasunog sa ospital kung saan ipinanganak ang magkapatid. “Da who” raw ang mga gumanap ng mahalagang role. Hindi sila kilala ng mga tagahanga, sayang at ang ganda pa naman daw sana ng role.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with