^

Pang Movies

John, isang taon nagkaroon ng depression

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
John, isang taon nagkaroon ng depression
John

Marami ang hindi nakakaalam na ang award-winning actor na si John Arcilla ay isa ring mahusay na singer. Katunayan, isa siyang kontesero when he was still young at madalas siyang nananalo sa mga amateur singing contest na kanyang sinasalihan.

Malaki ang naitulong  ng  pagiging singer ni John nang siya’y magsimula sa mga stage plays noong siya’y nasa high school.  Siya’y nagsimula sa teatro hanggang mapasok niya ang mainstream acting sa telebisyon at pelikula.

It was in 1996 nang mapanalunan ni John ang kanyang kauna-unahang Best Actor award mula sa Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Mulanay: Sa Pusod ng Paraiso.

Pero pagkatapos ng kanyang panalo ay naging biktima ang actor sa bad publicities na halos tuluyang ikasira ng kanyang career bilang actor. Ibinato sa kanya ang mga isyung kesyo lumaki na ang kanyang ulo, demanding, nagbago ang ugali, nagpataas ng kanyang talent fee at kung anu-ano pa. Dahil dito, halos isang taong nawalan ng trabaho si John at dumaan umano siya sa depression.

Kinu-consider ni John na kanyang savior ang director at isa sa mga top executives ng ABS-CBN na si Direk Laurenti Dyogi dahil ito ang nagbigay ng panibagong break sa kanya sa telebisyon. At doon lamang na-realize ni Direk Lauren na paninira at tsismis lamang pala ang lahat kay John. In 2015, dumating ang biggest break kay John nang sa kanya ipinagkatiwala ang Heneral Luna project na dinirek ni Jerrold Tarog. Nagulat ang lahat nang maging blockbuster movie ang Heneral Luna na naging simula sa pagiging muling in-demand ni John sa movie projects.

Si John ay gumaganap ngayong lead villain sa longest-running action-drama TV series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin bilang si Renato Hipolito.

John Lloyd, mas inuna ang Servando…

Mukhang mauuna ang unang tambalan nina Bea Alonzo at Alden Richards sa pelikulang A Moment to Remember na nakatakdang pamahalaan ni Nuel Naval. Ito’y joint venture ng GMA Pictures (hindi na Films) at Viva Films.

Kung matatandaan pa, ang inyong lingkod ang ­unang nagbalita sa aming Rated-A column sa pagtatambal ng dalawa na nanggaling mismo sa top honcho ng Viva na si Boss Vic del Rosario.

Kung gagawin ni Bea ang movie nila ni Alden, tinatapos naman ngayon ni John Lloyd ang Servando Magdamag na pinamamahalaan ni Lav Diaz under Black Sheep Productions. Ito’y film adaptation mula sa short story of same title ni Ricky Lee na siya ring sumulat ng script ng pelikula.

Ang Servando Magdamag ay magsisilbing comeback movie ni John Lloyd matapos itong pansamantalang magpahinga sa showbiz noong October 2017.

vuukle comment

JOHN ARCILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with