^

Pang Movies

Ate Guy, kulang sa paramdam sa kanilang serye

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Malapit nang tuldukan ang seryeng Bilangin Ang Bituin Sa Langit pero marami pa ring fans ang nagtatanong kung bakit kulang daw yata ang exposure ng idolo nilang si superstar Nora Aunor.

Magmula nang mamatay ang karakter ni Divina Valencia sa serye, bihira nang makita sa TV screen si Guy at pulos pagtuklas na lang daw kung magkapatid ang karakter na ginagampanan nina Kyline Alcantara at Yasser Mata. Kahit hindi pa inaamin ni Mylene Dizon ang totoo, alam na ng televiewers ang katotohanan between the two.

Komento ng fans ni Nora, kailan daw ba eeksena si Guy dahil naiinip na sila kakahintay. May pasabog nga kaya ito o magtitiis lang sila sa pagtago-tago ng karakter nito sa mag-inang Isabel Rivas at Ina Feleo?

Gracia, ‘di nagpatalbog

Nagpasiklab sa eksena si Samantha ‘Gracia’ Lopez sa top-rated serye ng Kapuso network na Love Of My Life. Unang nakilala si Gracia sa Eat Bulaga bilang dancer noong araw at humakot ng mga tagahanga, at nagkapangalan sa serye.

Napagod na marahil si Gracia sa kanyang role bilang anino ni Coney Reyes kaya nagpakitang gilas nang tarayan ang karakter nina Carla Abellana at Rhian Ramos na palaging nag-aaway dahil sa pagmamahal kay Mikael Daez.

Magaling na artista si Samantha or Janice sa naturang serye kaya lumulutang palagi kapag nasa eksena. Hindi rin siya nagpatalbog kay Angeli Bayani na gumaganap bilang Osang na katulong nila Coney.

Relasyon nina Rica at Piolo, history na

Bakit naman daw biglang lumutang pa ang topic na naging magkarelasyon sina Rica Peralejo at Piolo Pascual noong araw, hindi ba napakalumang balita na nito para ilantad pa?

Teka, sino nga ba ang nagtatanong? Besides, may pamilya na si Rica at hindi na dapat ungkatin pa ang nakaraan. Teka, hindi kaya para lang sumikat agad ang vlog niya?

Well, gamit na gamit talaga ng mga artista ang social media para mapag-usapan.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with