^

Pang Movies

Pia at Catriona, kanya-kanyang paandar

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

May kanya-kanyang paandar sa social media ang dalawang Miss Universe winners na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Si Pia ay may sariling podcast titled Between Us Queens na nagte-trend ngayon sa Spotify Philippines. Kasama rito ni Queen Pia ay former titleholders na sina Binibining Pilipinas International 2014 Bianca Guidotti and Mutya ng Pilipinas Intercontinental 2010 Carla Lizardo. “Ngiting tagumpay. Number 1 trending on Spotify and it’s all because of your love and support! Thank you! Kilig na kilig ako noong nakita ko na nag-1 na kami finally! Ang saya! Thank you!” post ni Pia sa Instagram.

Si Catriona naman ay may sariling web series na Kultura 101, dahil sa pagiging ambassador of the National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Ang first episode niya na Parikitan, ipinakita ni Queen Cat ang diffe­rent Filipino adornments such as jewelry, accessories, tattoos and makeup. “More than just bling, the jewelry and accessories of our indigenous people say so much about their sense of color, style, and beauty,” sey ni Catriona.

Tiyak na pagpipiyestahan ng supporters nina Pia at Catriona ang kanilang new platforms. Hindi rin malayong ipagkumpara sila dahil pareho silang milyones ang followers sa social media.

John, ayaw na uling makisosyo sa kaibigan

Hindi tinago ng aktor na si John Estrada na minsan na siyang naloko sa negosyo ng kanyang matalik na kaibigan. Hindi nga raw makapaniwala ang aktor na nagawa siyang pagnakawan ng taong pinagkatiwalaan niya. “Ako honestly, nag-invest ako sa isang kumpanya na niloko ako. Kumbaga ‘yung in-invest ko ‘di ba dapat may monthly interest? It just so happened na one year na. At saka barkada ko pa ito. Noong chineck ko parang iniisahan pala ako. So buti na lang nabawi ko naman ang investment pero sana inilagay ko sa mas magandang investment kasi parang wala akong kinita ni singkong duling,” kuwento ni John.

Ang natutunan ng aktor sa experience na ito ay huwag ibigay ang buong tiwala, kahit na kaibigan mo pa ito. Iba raw kasi kapag may pera nang involved.

Minsan daw ay mahirap pasukan ang isang negosyo kasama ang isang kaibigan dahil puwedeng ikasira ito ng friendship ninyo.

Samantalang natuwa si John dahil nag-trending sa social media ang world premiere ng teleserye nila na Babawiin Ko Ang Lahat noong nakaraang February 22.

vuukle comment

CATRIONA GRAY.

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with