^

Pang Movies

Joshua, malayo ang mararating ng hitsura

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Joshua, malayo ang mararating ng hitsura
Joshua

Parang younger version pala ni John Lloyd Cruz si Joshua Garcia. Simpatiko at mahusay ding umarte. Parang mabait din kasi at malumanay magsalita.

At mukhang professional na artista at gusto ng mga kasamahan niya dahil hindi pa ako nakarinig ng anumang reklamo tungkol sa kanya sa showbiz.

Mukha rin talagang mahal na mahal siya ng Kapamilya dahil magaganda ang projects niya. Palagay ko kahit sino ay puwedeng ibigay na partner ni Joshua dahil maganda ang persona­lidad niya, at kahit pa nga walang nangyari sa loveteam nila ni Julia Barretto, kaya pa rin ni Joshua na sumikat at maging big star. Tulad din ng lalim ni John Lloyd ang ipinakitang acting ni Joshua kaya palagay ko good path ang tinatahak niya.

Given the same assignments na ibinibigay noon kay John Lloyd, tiyak na mahahasa nang husto at maaabot din ni Joshua ang kinalalagyan dati ni Lloydie.

Suwerte naman ng Star Cinema at ABS-CBN dahil meron silang naging talent na tulad ni Joshua.

I bet na malayo ang mararating niya at sana nga hindi tulad ng iba na naunahan ng career fatigue kaya medyo nabalam ang paglaki. Dapat mag-focus muna siya sa lahat ng may kinalaman sa career saka na muna ang iba pang bagay.

Very bright ang kanyang future, tuluy-tuloy lang at voila, big star na siya. 

Mga bagets, kailangang bantayan din sa gadgets

Hindi ko alam kung bad o good ang gadgets. Pero napansin ko na maraming mga bata ang mas sharp ngayon, mas parang matatalino dahil sa gadget. Siguro, meron ding plus factor ang technology sa kanila, kailangan lang ang guidance at limitations, pero all in all, parang maganda naman ang naidulot nito sa kanila.

Marami nga sa kanila, ‘yung comprehension sa English, doon nakuha sa gadgets, ‘yung ilang mga bagay na maganda naman ang naituro sa kanila, sa phone nila nakukuha.

Marunong din sila sa Google at ibang apps, bongga nga na mas mahusay pa silang gumamit ng gadgets kesa sa may mga edad. I can say na basta siguro huwag lang babad na babad, puwede na. Nawala nga lang ‘yung patience nila sa writing at reading, kasi nga ang dali nang mag-search sa phone, iyon ang mas madalas na ginagawa nila, hindi na ‘yung book reading to research o ‘yung isulat mo ang na-research mo.

Advance na ang mundo, kaya kailangang advance rin ang thinking ng tao, kaya nothing will stop the kids to learn kung gusto nating sumabay sa iba. At technology is the key. 

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with