^

Pang Movies

Heart at Chiz, nagtipid sa dinner date

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Heart at Chiz, nagtipid sa dinner date
Heart at Chiz

Dahil nagtitipid daw silang mag-asawa, mas pinili na lang nina Heart Evangelista and Sorsogon Governor Chiz Escudero na mag-dinner date sa bahay.

Sa latest YouTube vlog ni Heart ay sinabi niyang niyaya niyang lumabas ang kanyang mister for a dinner date pero tumanggi raw si hubby because of the COVID-19 scare at bukod pa rito ay nasa tipid mode rin daw sila.

Kaya naman ang ginawa na lang ni Heart ay nag-set up na lang siya ng dinner sa bahay nila. Aminado ang aktres na hindi raw siya marunong magluto pero alam niyang i-present nang maganda ang dinner.

Dahil nga restaurateur ang magulang, maning-mani lang kay Heart ang mag-set up ng dinner table. Pati nga kung paano mag-fold ng napkin ay alam na alam niya dahil nu’ng bata pa raw siya ay ginagawa niya na ito sa kanilang restaurants.

Ang ganda naman talaga ng pagkaka-set up ni Heart ng table and you could easily know na kinalakihan niya talaga ito.

Pagdating sa cooking part, hinahayaan na lang daw niyang si Chiz ang gumawa nito at okay lang naman daw sa mister. “Chiz loves Japanese steak, corned beef. I actually can cook those things but I guess he just does it better and he also finds it very therapeutic so I let him do the cooking, he doesn’t mind,” sey ni Heart.

Payo niya sa mga maybahay ay mag-invest sa magagandang plates and cutlery.

Carmina, nahirapang pakawalan si Cassy

Sumabak na nga sa pag-aartista ang isa sa kambal na anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na si Cassy Legaspi at kasama sa upcoming GMA teleserye na First Yaya.

At dahil pandemic, kinailangan ding mag-lock-in taping ni Cassy at aminado si Carmina na talagang nahirapan siyang i-let go ang anak.

“Mahirap pero nakita ko talaga na gusto ni Cassy, e. Gusto talaga niyang mag-artista siya. Hindi naman din ako nahirapang i-let go. ‘Yun nga lang, nung mga first few weeks umiiyak ako,” sey ni Mina sa panayam ng 24 Oras.

At nakita naman daw niya na masaya ang anak sa landas na pinili which is ang showbiz nga.

“Kung nakita ko na malungkot siya, pauuwiin ko talaga. Talagang ‘sorry uwi ka na dito.’ Pero naririnig ko sa boses niya everytime nagvi-video call kami masaya siya,” she said.

At may karapatan naman talagang mag-artista si Cassy dahil napakagandang bata at namana pareho ang good looks ng kanyang mommy at daddy.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with