^

Pang Movies

Janno, kakasuhan ni Kitkat!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Si Marco Sison pala ang rason kung bakit nagkaroon ng isyu kina Janno Gibbs at Kitkat. Guest daw si Marco sa Happy Time na hosts sina Janno, Kitkat at Anjo Yllana. Napikon daw si Janno dahil feeling niya, kinampihan ni Kitkat ang team ni Marco, kaya pinagsalitaan at inaway si Kitkat na dahil nahiya kay Marco at sa mga contestant, muntik daw umiyak.

Si Janno naman, sobra sigurong nagalit, nag-walk out sa rehearsal at hindi na bumalik. Kaya si Kitkat na lang ang nag-host nang kunan na ang segment. Wala pang comment sina Janno at Kitkat sa socmed account nila sa nangyari, quotation card muna ang pinost nila.

Sabi ni Janno, “The worst people are those who judge the fault of others, but blind to their own” at sinamahan pa ng poster ng movie ni FPJ na Kapag Puno Na Ang Salop. Ibig bang sabihin, napuno na si Janno kay Kitkat?

Sabi naman ni Kitkat, “People will hurt you and they act like you hurt them.” Pero, totoo kayang kumonsulta na sa lawyer si Kitkat at nagtanong daw kung ano ang puwede niyang ikaso kay Janno?

Naku, sana hindi sila maapektuhan sa away nila. Sana hindi sila palitang hosts dahil lang sa nangyari. Paano kaya kapag nagkita uli sila sa taping? Last Thursday raw nangyari ito, February 18.

DongYan at RyaDy nag-collab

Naka-post sa Instagram nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang “SiguraDong Yan ang Mapupusuan nito. Mga Suki! Meron bagong Mister at Misis na makikisaya sa Angrydobo Sunday Market” at dahil naka-highlight ang “Dong” at “Yan,” agad nahulaan na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang tinukoy sa teaser.

Ayun na nga, nangyari kahapon, 8 a.m. ang kusina collab ng mag-asawang Ryan at Judy Ann at Dingdong at Marian sa Sunday Market ng Angrydobo kung saan, online ang order ng Angrydobo. Hindi namin napanood kung paano ang naging proseso ng collab ng two power showbiz couples, pero tiyak na naging masaya.

And speaking of Marian, this Monday na, Feb­ruary 22 ang first showdate ng virtual stage play na password:03d1pu5_R3x kung saan, kasama si Marian. Sa isang interview, sabi nito, “kung tutuusin, maduduwag ka lang panandalian. Buong buhay ko ipagpapasalamat  ko na nakasama ako sa play na ito. Ipagmamalaki ko ito sa dalawang anak ko.”

Ang iba pang show dates ay Feb.  25 and 27. Mabibili ang ticket via Tanghalang Ateneo’s ticke­ting partner, Ticket2Me at P150 for general viewing and P250 for general viewing kasama ang souvenir program.

Kristoffer, pinayuhang tantanan na ang pagtalak

Naka-private na ang Twitter account ni AC Banzon, ang ex-partner ni Kristoffer Martin at ina ng kanyang anak pagkatapos ng Twitter war nilang dalawa.

Si Kristoffer naman, may mga tweet na dinelete at isa roon ay ang tweet  na “Go. Dahil gusto mo ko sirain sa trabahong bumuhay satin before. Sa trabahong nagdala satin kung saan saan. GO.”

Apparently, may nabanggit si AC na sisirain niya ang career ni Kristoffer, kaya ganun ang sagot ng Kapuso aktor. Tamang-tama naman dahil this Monday na ang pilot ng Afternoon Prime ng GMA 7 na Babawiin Ko Ang Lahat na kabilang sa cast si Kristoffer. Kaya lang, hindi siya ang main bida, kaya wala sigurong impact ang negative comments sa aktor dala ng isyu nila ni AC.

Nag-ugat ang isyu ng ex-couple nang makipaghiwalay si Kristoffer kay AC dahil napagod na raw siya, pero ang lumalabas, na-fall out of love lang siya kay AC at na-in love sa co-star na si Liezel Lopez. Ang nakakaloka rito, magkapatid ang role nila sa Babawiin Ko Ang Lahat, mga anak sila nina Carmina Villarroel at John Estrada.

Hahaba pa ang isyung ito lalo at sumali ang netizens na majority, kampi kay AC. Ang payo kay Kristoffer ng mga kaibigan, ‘wag na siyang magsalita at ‘wag nang magtu-tweet para hindi na lumaki at umingay pa.

vuukle comment

JANNO GIBBS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with