^

Pang Movies

Mark at Tanya, umaasa pang makaka-lalaki

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Mark at Tanya, umaasa pang makaka-lalaki

Tatlong babae ang anak ng mag-asawang Mark Lapid at Tanya Garcia, sina Mischa Amidala (12) Matilda Anika (9) at bunsong si Madeleine Ariana (4). 

Si Tanya ay naging bahagi ng Star Circle Batch 5 (now Star Magic) at napasama siya sa youth-oriented program ng ABS-CBN na Gimik kung saan niya nakatambal si Patrick Garcia na may sariling pamilya na rin ngayon.

Since matagal nang freelancer si Tanya, nakakagawa siya ng projects with other TV networks lalo na with GMA.

Although paminsan-minsan ay aktibo ang mister ni Tanya na si Mark sa kanyang showbiz career, balik ito bilang pinuno ng Tourism Infrastracture and Enterprise Zone Authority (TIEZA) matapos itong i-reappoint ni Pres. Rodrigo Duterte noong nakaraang January 5, 2021.

For a time ay naging gobernador si Mark ng Pampanga, the same position noon ng kanyang ama, ang actor-turned politician na si Sen. Lito Lapid.

Samantala, kung nanaisin pa ng mag-asawang Mark at Tanya na magkaroon ng panibagong anak ay possible pa ito dahil magpu-forty pa lamang ang aktres sa darating na August 5. Kung hindi naman ay puwede pa rin silang magka-baby sa tulong ng IVF (in vitro fertilizataion) procedure para makabuo ng baby boy.

Alessandra, maligaya sa piling ni Direk Rico

Hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang rumored sweethearts na sina Alessandra de Rossi at Direk Rico Gutierrez pagdating sa kanilang relasyon tulad ng naging relasyon noon ni Alex (Alessandra) sa actor na si Mark Abaya.

Si Alex ang tipo na gusto niyang maging pribado ang personal na buhay kaya hindi ito open pagdating sa kanyang lovelife.

Si Direk Rico has a 23-year-old son sa actress and movie producer na si Harlene Bautista na si Abijah na isa na ngayong cinematographer.

May isa kaming common friend ni Alex na nagsasabi sa amin kung gaano kasaya ngayon ang aktres sa relasyon nila ni Direk Rico. “Sana nga sila na ang magkatuluyan,” asam ng aming kaibigan.

vuukle comment

TANYA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with