^

Pang Movies

Julia, spotted na naman sa resort ni Gerald

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Kahit malayo ang kuha, aninag pa rin sa nag-viral na photo na si Julia Barretto ang babae na nakunan ng larawan sa Hayati Private Resort ni Gerald Anderson. Nasa Botolan, Zambales ang private resort ng aktor at ibig sabihin, pumunta roon si Julia.

Sa larawan, may kausap na dalawang babae si Julia at dahil malayo ang kuha ng source ng photo, hindi nakilala kung sino ang dalawang babae.  Hindi rin nakalagay kung kailan nasa Zambales si Julia.

Obvious na hindi makalapit ang kumuha ng picture at takot yatang masita at pagbawalang kumuha ng litrato.

Naka-couple shirt pa… Coco at Julia, nag-viral ang paglalakad

May nag-viral na video sina Coco Martin at Julia Montes na nagbi-brisk walking sa loob ng isang subdivision. Pareho silang naka-jogging suit, nakasuot ng cap at si Julia nakasuot pa ng face mask, pero nakilala pa rin sila ng mga nakakita sa kanila.

Maririnig sa video ang comment nang may hawak ng phone na “matangkad pala si Julia?” at ang comment ng kausap kung nag-jogging ba sina Coco at Julia? Ang sagot ng tinanong, “Oo! Naglakad.”

Sa isa namang larawan, makikitang hindi magkasama sina Coco at Julia, pero pareho ang suot nilang t-shirt na may picture ng Beatles at nakasulat ang “Rubber Soul” na isa sa title ng album ng Beatles.

Sabi ng nag-upload, hindi edited ang pictures at ganoong t-shirt daw ang suot ni Julia nang ma-interview sa vlog ng husband ni Dimples Romana. Sa interview kay Julia, binanggit ang qualities ng gusto niya sa lalake at kulang na lang pangalanan nito si Coco sa ibinigay na mga clue.

Liezel, binlock ang mga nega

Galit sa Kapuso actress na si Liezel Lopez ang fans ni Kristoffer Martin na ang gusto para kay Kristoffer ay ang ina ng anak niyang si AC Banzon. Sinira raw ni Liezel ang relasyon ng dalawa nang magkasama sila sa taping ng Afternoon Prime ng GMA 7 na Babawiin Ko Ang Lahat.

Pero, wala kang mababasa na bashing kay Liezel sa Instagram page nito at ang dahilan, bina-block pala nito ang pumapasok na negative comments. Nasa IG page ni Kristoffer ang mga galit at namba-bash sa kanilang dalawa.

Magkasama sina Kristoffer at Liezel sa Babawiin Ko Ang Lahat na premiere na bukas, after Magkaagaw.

Anyway, kung may galit kay Liezel, may fans din ito at masaya sila sa projects ng aktres dahil hindi pa man airing ang Babawiin Ko..., in-announce ng kasama siya sa cast ng Voltes V: Legacy bilang si Zandra, ang makakapareha ni Martin del Rosario bilang si Prince Zardos.

Derek at Ellen, tuloy ang ‘gamitan’

Deadma sina Derek Ramsay at Ellen Adarna sa mga tsikang naggagamitan lang sila dahil tuloy ang sightings sa kanila at kasama pa nga ang anak ni Ellen na si Elias.

Panay din ang pagpo-post nila ng photos at video na sila ay magkasama at ang latest video nga na parehong nasa IG Stories nila ay sabay silang nag-jumping rope. Ang sweet nga nilang mag-jumping rope dahil nakahawak pa si Ellen sa waist ni Derek saka sabay na tatalon. Sabay din silang nagtawanan na gustong ipakita na nag-enjoy sila sa kanilang ginawa.

Siguradong may mga susunod pang sightings kina Derek at Ellen, kaya kahit anong bashing ng iba, tuloy ang saya ng dalawa.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with