^

Pang Movies

Mag-inang Ellen/Elias, nadadalas kay Derek

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Mag-inang Ellen/Elias, nadadalas kay Derek

Nadadalas ang pagkikita nina Derek Ramsay at ang anak ni Ellen Adarna na si Elias at noong isang araw nga, magkasama na naman sila sa isang road trip. Hindi kaya dumating ang araw na si Derek ang tawaging “Papa” ni Elias.

Remember na there was a time na si Piolo Pascual ang kilalang papa ni Elias. May video pa nga sina Ellen at Elias na tinanong ni Ellen ang anak kung sino ang papa niya? Ang sagot ni Elias “Piolo” na ikinagulat at ikinatawa ni Ellen.

Hindi pa rin pala nasabi ni Ellen kung bakit pangalan ni Piolo ang na­ging sagot ng anak nang tanungin kung sino ang papa niya.

Serye nina Heart at Lovi, ipalalabas sa France

Ipalalabas sa France ang Beautiful Strangers via Novela F Plus. Ida-dub ito sa French, kaya maririnig ang cast na sina Heart Evangelista, Rocco Nacino, Benjamin Alves, at Lovi Poe na magsasalita in French. Bongga, hindi na lang sa Asia at sa Latin America mapapanood ang mga serye ng GMA Network, pati na sa France. Noon pang 2015 umere sa GMA-7 ang Beautiful Strangers na ang magiging French title ay Belles Etrangeres. Naalala namin, dito nagkainlaban, nagligawan at nagkaroon ng relasyon sina Lovi at Rocco.

In fairness, kahit tapos na ang serye noon, tuloy pa rin ang kanilang relasyon, hindi nga lang nagtagal, nag-break din sila at ngayon, happily married na si Rocco kay Melissa Gohing at may LDR naman si Lovi kay Monty Blencowe.

Samantala, nasa Sorsogon ngayon si Heart. Kasi-celebrate lang nina Heart at Sorsogon Governor Chiz Escudero ng 6th anniversary at halos magkasunod ang wedding anniversary nila ni Chiz at ang kanyang 36th birthday.

Rhian 15 years nang Kapuso

Muling nag-renew ng kontrata niya sa GMA Network si Rhian Ramos last Friday at 15th year na siyang Kapuso. Nagpapasalamat si Rhian na all these years, magagandang projects ang ibinibigay sa kanya ng Kapuso network, kasama itong umeere pa hanggang ngayon na Love of My Life.

Sa kanyang contract signing nga, ipinaabot nito ang pasasalamat sa Kapuso viewers sa magandang pagtanggap sa drama series na tampok din sina Carla Abellana, Tom Rodriguez, Mikael Daez, at Coney Reyes.

“We are really happy with the reception of everyone with the show kasi we’ve been working hard but I have to admit na may konting surprise din and a little bit of worry bago namin gawin o bago namin ituloy kasi dahil sa Covid-19 at dahil sa quarantine. Ang daming challenges like hindi na namin mapapakita ‘yung mga anak namin doon sa show, never na silang nakikita on cam.”

Nagpapasalamat din si Rhian na kahit brat, may temper at tantrum ang karakter niyang si Kelly, minamahal pa rin siya ng sumusubaybay sa Love of My Life at siguro, dahil na rin ito sa mahusay niyang nagagampanan ang kanyang karakter.

Baste naiyak nang makausap ang Dabarkads

Miss na miss na ni Baste ang mga Dabarkads niya sa Eat Bulaga kaya hindi nito napigilang maiyak pagkatapos ng video call niya kina Vic Sotto at Tali (anak nina Vic at Pauleen Luna). Kitang-kita ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Baste at inalo naman siya ni Vic.

Hindi na nakabalik sa APT studio si Baste mula nang magka-lockdown dahil sa Covid-19 pandemic. Bawal kasi sa minors ang lumabas sa telebisyon at gumawa ng pelikula habang may pandemya pa.

Lalo pang napalayo sa Dabarkads si Baste dahil noong June, umuwi muna sila ng kanyang pamilya sa General Santos City at hanggang ngayon, hindi pa sila bumabalik sa Manila. Pati ang nakapananood ng video ng video call nila ni Vic naiyak sa sinabi ni Baste na “Bossing, we miss you.”

 Hopefully, hindi pa teenager si Baste kapag nakabalik na siyang mag-host ng Eat Bulaga.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with