^

Pang Movies

Ibang mga artista, walang utang na loob sa nagretoke sa kanila

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

In the past, maraming celebrities na sinasabing produkto ng science. Na mga “Salamat po, Doktor” ang kanilang mga beauty on sa madaling salita, mga retokado’s retokada!

Marami sa mga celebrity na ito ang tahimik lang, ang iba naman, nagde-deny at may mangilan-ngilan na umaamin.

Pero, alam mo ba, Ateng Salve, may iba na noong mga baguhan pa lang sila ay panay na ang pa-enhance ng kanilang mga hitsura sa generous beauty doctors, pero nang sumikat na sila ay bigla na lang silang nakakalimot at lumilipat sa ibang beauty clinics, huh!

May istorya naman akong narinig tungkol sa isang sikat na aktres na noong nagsisimula pa lang ay in-sponsor ng isang dentist, pero nang sikat na sikat na siya, biglang lumipat sa isang kilalang dentist at ang dahilan, “Mas may C.I. (corporate image) kasi kung kay Dr. _____ kami!”

Pero may ibang mga celebrity naman na bitbit nila hanggang sa pagsikat nila ‘yung mga nag-i-sponsor sa kanila noong wala pa silang names.

Na kahit offer-an sila ng malaking bayad ng ibang mga beauty clinic o dental clinic, namamayani pa rin sa kanila ang utang na loob!

In fairness, marami pa rin namang celebrities na tumatanaw ng utang na loob at hindi pera-pera lang palagi ang usapan!

Ogie, ginagamit ang Hermes ni Regine

Isa sa characters na in-introduce ni Ogie Alcasid sa Eydiewaw and the Wawettes ay ang “manager” ng grupo na si Mrs. Phelma Nubla.

Nakakabilib nga si Ogie dahil siya lang ang gumaganap sa lahat ng characters doon.

Ang bongga lang ng “manager” nila na si Mrs. Nubla dahil mahilig ito sa Hermes bags, walang love life at work lang nang work.

Sa pictorial ng character na ‘yon ni Ogie, bitbit nito ang Hermes bag na authentic at hindi fake, huh!

Inusisa ko nga si Ogie kung Hermes bag ba ‘yon ng wifey niyang si Regine Velasquez-Alcasid? “Hahaha, YES!” sey ni Ogie.

Bongga lang at very supportive si Regine sa mister at wala lang sa Asia’s Songbird kahit gamitin ni Ogie ang mamahalin niyang bags para gawing props, huh!

Pero siyempre, dahil gamit ‘yon ng kanyang wifey, in fairness naman, sobrang ingat naman si Ogie!

Anyway, hanggang kahapon ay nag-taping si Ogie kasama sina Sharon Cuneta at Gary Valenciano bilang judges sa new season ng Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN.

Hindi pa nila alam when ang next taping nila. Bale may three advance episodes na rin sila for the show.

Bukas naman, live uli ang ASAP Natin ‘To at may taping sila on Monday.

Napansin ko lang na simula nang magkaroon na sila ng airing sa TV5, nadadalas ang pagla-live ng ASAP Natin ‘To. Parang every other Sunday na kung mag-live sila.

Ang bongga. ‘Yun na!

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with