^

Pang Movies

Anniversary special ng TIPMMG, mas exciting!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Anniversary special ng TIPMMG, mas exciting!

Naku, Salve, parami nang parami ang prizes natin sa Take It... Per Minute, Me Ganun ha. Nadagdagan na ng Bee Harvest ni Tonton, friend ng anak kong si Sneezy na talaga namang napakasarap na tea at very authentic wild honey, pero most of all, talagang natutulungan ang local entrepreneurs at suppliers na taga-probinsiya ng business na ito ni Tonton.

Cute ang packaging na kahit sinong makatanggap, tiyak na matutuwa at masasarapan sa tea at wild honey.

Hay naku, talagang mas madadagdagan ang mga sasali sa contest natin dahil bukod sa Mondelez snacks and chocolates, Pilipino Star NGAYON na jacket and water jug, meron pang Beautederm products na bigay ni Rhea Tan, ang top sponsor ng TIPMMG.

Hay naku, talagang ang saya ng anniversary presentation natin, may premyo, mga kalokang news item at blind items na may kasaling bukuhan.

See you again next week.

Showbiz at pulitika, magkapatid 

Natuwa naman ako dahil dalawa sa top politicians ang inaalala ang showbiz writers. Sabi nga ni Brian Yamsuan, talagang naniniwala sila sa power ng showbiz writers para maipaabot ang mga bagay na maaari nilang magawa for people para makatulong.

Sina Cong. Lito Atienza at Alan Peter Cayetano ay dalawa sa talagang nauna para magpakilala sa showbiz writers at humingi ng tulong para sa mga advocacy nila. Parehong friendly at madaling lapitan kaya naman malaking tulong sila para rin malaman ang mga solusyon sa anumang problema ng mga taga-showbiz.

Bongga sila, like Cong. Lito Atienza, nasa media rin ang anak na si Kim Atienza, sila Cong. Alan naman, galing sa showbiz ang kapatid na si Mayor Lino Cayetano, at ang kapatid na si Senator Pia ay malapit din sa  taga-sports.

Nakaka-happy na mataas ang rating nila among the senatoriables, at talagang kahit halos magkapatid ang showbiz at politics, bukas sila para sa lahat ng taga-industriya.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

LITO ATIENZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with