^

Pang Movies

Bimby, gusto nang maging maligaya si Kris

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Bimby, gusto nang maging maligaya si Kris

Walang tutol si Bimby Aquino Yap sakaling magkaroon ng panibagong pag-ibig ang kanyang inang si Kris Aquino. Sinabi ito ng binatilyo kay Erich Gonzales nang bumisita ang aktres sa bahay nila kamakailan.

Alam ng lahat na noon pa’y kaibigan na si Erich ni Kris kaya naman naisip ng aktres na sorpresahin si Tetay sa pamamagitan ng pagsalubong sa kaarawan nito last Feb. 14. Mapapanood sa YouTube vlog ng aktres ang mga kaganapan sa nasabing birthday asalto.

Tulog si Kris nang dumating si Erich dahil hindi nga nito alam na may asaltong magaganap. Si Bimby ang sumalubong sa aktres at kitang-kita na na-miss talaga nila ang isa’t isa. Makikita ngang kinarga pa ni Bimby si Erich na nakakatuwang tingnan dahil dati ay ang aktres ang kumakarga sa bunso ni Kris.

Nagtsikahan muna sina Bimby and Erich at tinanong ng aktres ang binatilyo kung ano ang birthday wish nito for his mama. “For her to be happy in everything,” sey ni Bimby.

Tanong ni Erich, “how about love life? Puwede love life?”

“Okay lang. If it makes her happy, then I’ll be happy, ‘di ba? Simple lang ang buhay, just be happy for the person who is happy,” sagot ni Bimby.

Makikita rin sa video na talagang tulog si Kris at ginising nila para i-asalto. Na-touch naman si Tetay sa effort ni Erich na talagang pumunta pa sa bahay nila ng dis-oras ng gabi para salubungin ang kanyang kaarawan.

Anyway, matagal nang walang love life si Kris kaya naman hangad ng mga nagmamahal sa kanya na sana ay makatagpo na siya ng lalaking para sa kanya.

Sugar ni Gary V., bumalik na sa dating bilang

Okay na si Gary Valenciano ngayon matapos tumaas ang sugar level noong Martes ng madaling araw. Unang ipinost ni Mr. Pure Energy ang nararamdaman sa kanyang Twitter account at humingi ng dasal sa ating Panginoon. “Lord...humbly I come before you to ask for your help. My sugar level Lord is dangerously high. Although I’ve taken the right steps to bring it back to normal...it’s not easy having it this high. Thank You Lord Jesus for I know You are with me in this,” ang tweet ni Gary V. noong Martes ng hatinggabi.

Nag-alala ang kanyang fans at kaibigan at ipinagdasal nilang bumuti ang kalagayan ng singer.

“Praying for you bro,” tweet ni Ogie.

“Praying with you and for you Gary,” komento rin ni Karen Davila.

“Let’s claim it na maya maya, mamayang gabi or bukas, back to normal na po ‘yung sugar n’yo idol. Stay strong and have the faith and everything will be ok,” tweet naman ng isang netizen.

Ang next update ni Mr. Pure Energy ay bandang 11 a.m. na ng umaga that same day at inanunsyo ang magandang balita na okay na raw siya. Nagpasalamat din siya sa lahat ng nag-alala at nagdasal para sa kanya.

“Woke up early today feeling much much better!!! Thanks to all who showed concern. Sugar was at 104 a while ago and that’s perfect!

“Fellow diabetics, type 1 or 2, please never stop taking care of yourselves k? God bless you all. Thanks again everyone,” tweet ni Gary.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with