^

Pang Movies

AiAi, nahaluan ng komedya ang pagluluksa

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
AiAi, nahaluan ng komedya ang pagluluksa
AiAi

Natoka kay AiAi delas Alas ang pagsabi sa adoptive mother niyang si Justa na namatay ang nakababata niyang kapatid na lalaki dahil sa heart attack.

Siyempre mahirap ‘yung sitwasyong gagawin ni AiAi. Bago sabihin, dalawang araw siyang na-stress dahil baka atakihin ang mudra.

Eh sa kuwento ng Comedy Queen sa kanyang Instagram, nahaluan ng comedy ang sitwasyon niya nang sabihing namatay na ang kapatid.

Nasabi naman ni AiAi na namatay na ang brother ng mudra niya. Iyakan ang ini-expect niyang kasunod.

Narinig naman ng mudra niya ang sinabi ni AiAi. Nagpasalamat siya at akala niyang chill ang susunod na eksena.

Kasi naman, ayon kay AiAi, “KALOKA 2 DAYS kaming na-stress magpi­pinsan… yun pala mas pinoproblema niya pa yung popoo (dumi) niya kasi stress siya pag hindi nakakapopo.”

Naka-relate ang komedyana sa sitwasyon ng adoptive mother dahil ang ama niya na may colon cancer, nai-stress kapag hindi nakakabawas ng dumi.

“Classic talaga si mother…iba rin,” pagtatapos ng kuwento ni AiAi.

Alam namin ang naging feeling ni AiAi dahil minsan na rin kaming nagsabi sa isang kamag-anak na namatay na ang anak niya.

Condolences, AiAi at sa mga pinsan mo…

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with