^

Pang Movies

Gwen at David, kinasal sa France

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Gwen at David, kinasal sa France
Gwen at David

Opisyal nang Mrs. David John Semerad ang Filipino-Italian actress-model na si Gwen Zamora (Gwenaelle Tasha Mae Agnese) matapos siyang ikasal sa kanyang Filipino-Czech-Australian fiancé, ang professional basketball player na si David John Semerad. Ang dalawa ay ikinasal sa isang civil wedding ceremony sa isang lugar sa France noong nakaraang February 13.

Bukod sa kanilang malalapit na kaanak at mga kaibigan, kasama rin ng mag-asawa ang kanilang more than one-year-old son na si Cooper John Semerad.

Sina Gwen at David ay nakatakdang ikasal noong nakaraang June 2020 pero dahil sa pandemya ay hindi ito natuloy. The two got engaged noong May 20, 2019, same day ng gender reveal ng kanilang first baby na si Cooper John na isinilang naman noong August 15, 2019.

Bago si David, Gwen got engaged sa panganay na anak ni Joey Marquez na si Jeremy Marquez pero nagkahiwalay ang dalawa noong 2018. Naging boyfriend din noon ng actress-model ang stepson ni Cristina `Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez na si Raymund Romualdez pero nauwi rin ito sa hiwalayan in 2015.

Si David ay twin brother ni Anthony Semerad na isa ring professional bastketball player ng PBA.  Ito’y engaged na rin sa actress-model and entrepreneur na si Sam Pinto.

Ang mag-asawang Gwen at David ay may rest house sa Batangas na tinatawag ni David na Semerad Cabin.

Bunso ni Jeric at Monica, pinasok na rin ang showbiz

Nagsu-showbiz na rin ang bunso sa tatlong anak ng actor at dating action star na si Jeric Raval sa da­ting aktres na si Monica Herrera na si Janica Raval. Si Janica ang youngest child ng actor kay Monica. Nauna na rito sina Joshua at Jennica.

Unknown to many, may asawa na si Jeric nang ito’y pumasok sa showbiz in 1991 nang kontratahin siya ng OctoArts Films ni Boss Orly Ilacad at gawing action star. Si Holiday `Day’ Buensuceso, his childhood friend ang napangasawa ni Jeric kung kanino siya may apat na anak.

Sina Jeric at Monica ay meron nang tatlong apo sa kanilang mga anak. Bukod sa asawang si Day at kay Monica, ang actor ay nagkaroon ng iba pang mga anak sa iba’t ibang babae at kasama na rito ang dating sexy actress na si Alyssa Alvarez, ina ng Viva sexy actress ngayon na si AJ Raval.

Although may 14 na anak si Jeric sa iba’t ibang babae, never niyang iniwan ang kanyang tunay na misis na si Day at apat nilang anak.

vuukle comment

GWEN ZAMORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with