^

Pang Movies

Ruffa emosyonal ‘pag nakakausap si Yilmaz Bektas!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Naging emosyonal si Ruffa Gutierrez kahapon sa post Valentine’s Day online tsikahan with the entertainment press. Napag-usapan kasi ang kanyang Turkish ex-husband na si Yilmaz Bektas since may balita nga kasing bati na sila at nagkakausap na naman.

“Si Yilmaz, siya lang ‘yung lalaki na hanggang ngayon, iniiyakan ko pa rin,” pag-amin ni Ruffa.

Malalim daw ang naging pinagsamahan nila ni Yilmaz bukod pa nga sa nagkaroon sila ng 2 anak, sina Lorin and Venice.

“In 7 to 9 yrs. na magkasama kami – nagpakasal kami, nagkaroon kami ng 2 anak, lumipat ako ng ibang bansa, iniwan ko ‘yung career ko, iniwan ko ‘yung pamilya ko, naghiwalay kami, ang daming ganap in those years.

“Siya ‘yung klaseng pain na gusto mo nang kalimutan at ibaon sa lupa na ayaw mo nang maramdaman ‘yung klaseng pain na ‘yun, kasi iniwan ko siya na mahal na mahal ko pa rin siya. Pero mas mahal ko ang sarili ko.

“‘Yun ang nangyari sa amin, eh. Hindi naman dahil nag-fall out of love ako sa kanya. It’s more of I had to learn how to love myself first,” she said.

Kinumpirma niyang nag-uusap na ulit sila ngayon ni Yilmaz at nagsimula raw ito nang bigla itong tumawag habang nasa lock-in-taping siya ng Stay In Love na serye niya sa TV5.

“Pinag-usapan namin ang mga bata, pinag-usapan namin ang past namin. The thing is every time I talk to Yilmaz, I always end up crying. The pain in my heart talaga, ganu’n kalalim,” she said.

Dagdag niya, “’yung tinatago kong pain ng ilang years na nakalimutan ko na siya, tuwing kausap ko siya, bumabalik ‘yung pain na ‘yun.”

Na-realize raw ni Yilmaz that they’re not getting any younger at gusto raw nitong bumawi sa mga anak.

“Nare-realize niya that time is so precious, that we’re getting old na and he wants to spend time with the kids.

“So, sabi ko kay Yilmaz, ‘let’s do step by step muna, let’s try to be co-parents to our children first,’” kwento ni Ruffa.

Sinabi rin daw ni Yilmaz sa kanya na hanggang ngayon ay siya ang greatest love nito. “Siyempre, talagang mahirap akong kalimutan,” natatawang sabi ni Ruffa, “masarap kasi akong magmahal kaya talagang hindi ako makakalimutan, hello.”

Binabalak daw pumunta ng Pinas ni Yilmas sa June pero depende pa rin daw kung may pandemic pa. From there, tingnan daw natin kung ano ang pwedeng mangyari. But right now, hindi pa rin daw niya masabi ang possibility of reconcilia­tion lalo pa nga’t may takot pa raw siya dahil sa pinagdaanan niyang buhay sa ex-husband.

Okay naman daw sa anak nila kung darating ang Papa nila pero dahil 13 long years na ang lumipas since huli silang nagkita-kita, at lagi raw napapako ang mga pangako ni Yilmaz na bibisitahin sila, naging bato na rin daw ang puso nga mga ito.

“Nakikita ko kay Lorin and Venice, they welcome the fact na if he comes. . .sabi ni Lorin, ‘mommy, I’m turning 18 this year, si Venice naman is turning 17 this year, we’ve survived’ on our own.’

“I was a mom and a dad to both of them and hindi naman ako pinanganak na bilyonaryo, so sariling sikap talaga. Kumayod talaga ako to give them the best education.

“And gusto ko lang ipaalam at ipakita kay Yilmaz na kayang-kaya ko. Na kahit wala siya, wala akong nakuhang isang kusing sa kanya, but kinaya kong palakihin ang mga anak ko,” ani Ruffa na nagsimula nang maging emosyonal.

Samantala, pagdating naman sa kanyang career ay masaya si Ruffa sa sunud-sunod na pagdating ng mga proyekto. Katatapos lang niya ng Stay In Love na incidentally ay ngayong gabi na ang finale episode sa TV5 at may bago raw siyang project na super-excited siya pero hindi pa raw niya pwedeng sabihin kung ano.

“Baste teleserye siya (her upcoming project), it’s a great project, all-star-cast. I’m excited!” sabi ni Ruffa.

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with