^

Pang Movies

Derek at Ellen, kasama ang mga anak sa kanilang date

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Magkapitbahay lang nga kaya ang turingan nina Derek Ramsay at Ellen Adarna o magkapitbahay na nagkakaibigan?

May ilang beses na rin silang nakitang magkasama na ang pinaka-la­test ay ang Valentine’s dinner sa bahay ng actor sa Ayala Alabang. Kasama ni Ellen ang more than two-year-old son niya sa actor na si John Lloyd Cruz na si Elias. Naroon din ang ina ni Derek, anak niyang si Austin at ilang kaibigan.

Not too long ago, nakita rin sina Derek at Ellen with Elias sa isang resort sa Batangas kasama ang ilang kaibigan.  If there is no special something sa pagitan nina Derek at Ellen, bakit madalas silang nagkakasama lately?

Ano sa palagay mo, Salve A.?

Kasal, hindi priority nina Vin at Sophie

Mukhang mauuna ang pagkakaroon ng baby kesa kasal ng engaged couple na sina Sophie Albert at Vin Abrenica dahil nasa interesting stage na ang Kapuso actress sa kanilang magiging first baby ng Kapamilya actor.

Sina Sophie at Vin ay parehong grand winners sa reality talent search noon ng TV5, ang Artista Academy (2012).  After being with TV5 for sometime, napunta sa ABS-CBN si Vin at sa GMA naman lumipat si Sophie na naging bahagi rin noon ng Star Magic ng ABS-CBN.

Si Sophie ay nagmula sa angkan ng mga Cojuangco.  Walang basbas ang kanyang parents sa kanyang pagpasok sa showbiz na dalawang beses niyang ginawa.

There was a time na nagkahiwalay sina Sophie at Vin pero muli silang nag-reconcile at magmula noon ay tuluy-tuloy na ang relasyon ng dalawa.

Si Vin ay nakababatang kapatid ng dating Kapuso actor na si Aljur Abrenica na meron na ring dalawang anak na parehong lalake sa wife niyang si Kylie Padilla, anak ni Robin Padilla.

Asawa ni Jeric maraming tiniis

Itinuturing na martir ang wife ng actor na si Jeric Raval na si Holiday Buensuceso matapos ang appearance nito sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga kung saan isa siya sa mga participants last Saturday, February 13. 

Inamin ng misis ni Jeric na mag-asawa na sila ng dating action star bago pa man ito pumasok sa showbiz. Pero nakakaramdam man umano siya noon ng selos ay hindi niya makayang awayin ang kanyang mister dahil mahal niya ito.

Unknown to many si Jeric ay may 14 na anak sa magkakaibang babae at kasama na rito ang anak ng actor sa dating aktres na si Monica Herrera na si Janina. May isa ring anak si Jeric sa aktres na si Alyssa Alvarez na si AJ Raval na nasa showbiz na rin.

Tinalo pa ni Jeric ang action superstar noon na si Robin Padilla na meron lamang pitong anak sa tatlong magkakaibang babae – si Camille Orosa sa dating actress na si Leah Orosa, sina Queenie, Kylie, Zhen-Zhen at Ali sa kanyang ex-wife na si Liezl Sicangco at dalawa naman sa kanyang present wife na si Mariel Padilla na sina Maria Isabella at Maria Gabriela. May tatlo na ring apo si Robin, isa kay Queenie na isang girl at dalawa kay Kylie na parehong boy.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with