^

Pang Movies

It Girls, sunud-sunod ang pagbubuntis

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
It Girls, sunud-sunod ang pagbubuntis
Georgina

Magkasunod ang pagbubuntis ng magpinsang Georgina Wilson-Burnand at Isabelle Daza-Semblat ganundin ang kanilang co-It Girls na si Liz Uy. Almost a year nang nanganak ang kasama pa nila sa grupo na sina Anne Curtis, at Solenn Heussaff. Si Georgina ay buntis ngayon sa kanyang magiging pangatlong anak with British businessman-husband na si Arthur Burnand. Ang panganay ng mag-asawa na si Archie ay four years old na habang ang pangalawa na si Alfie is turning two sa darating na June 2021.

In six weeks’ time ay nakatakdang isilang ng model-host and entrepreneur ang third child nila ni Arthur. Ang couple ay ikinasal noong April 30, 2016 sa Winchester, United Kingdom.

Malapit na ring isilang ng pinsan ni Georgina na si Isabelle Daza-Semblat ang kanilang pangalawang anak ng French businessman husband nitong si Adrien Semblat. Ang panganay ng mag-asawa na si Balti (Balthazar Gabriel Daza Semblat) ay malapit nang magdalawang taon.

Buntis din ngayon sa kanyang magiging second baby ang barkada nilang celebrity fashion stylist na si Liz Uy sa husband nitong si Raymond Racaza. Ang kanilang panganay na si Xavi (Xavier Racaza) ay tatlong taong gulang na.

One year old naman ang first baby ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico na si Thylane Katana Bolzico at magwa-one-year naman si Dahlia Amelie on March 2, ang unang supling ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff, ang nakababatang kapatid ni Solenn.

Samantala, kahit blonde and blue-eyed ang dalawang anak nina Georgia at Arthur na sina Archie at Alfie, ang una ay magaling magsalita ng Tagalog at mahilig sa adobo at sinigang. Tinola naman ang paboritong pagkain ni Alfie.

vuukle comment

GEORGINA WILSON-BURNAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with