^

Pang Movies

Lovi, gaganap na Burlesk!

Gorgy Rula - Pang-masa
Lovi, gaganap na Burlesk!
Lovi at Benjamin

MANILA, Philippines — Ngayong araw na magsisimula ang bagong drama series ni Lovi Poe, ang Owe My Love na mapapanood sa GMA Telebabad.

Excited si Lovi rito dahil ito raw talaga ang first drama series na ginawa niya na naka-lock in. Nakagawa siya noon ng I Can See You, pero ilang araw lang iyon.

Iba raw talaga ang bonding kasama ang co-stars at production staff habang naka-lock in ng ilang linggo.

Ngayon ay nasa second cycle na sila ng lock-in taping at puring-puri nila ang GMA News and Public Affairs na nag-produce nito dahil napaka-systematic sa set at alagang-alaga sila.

Sa nakaraang virtual tsikahan kay Lovi, binanggit niyang si Tom Rodriguez ang isa sa mga leading men na paborito niya at sobrang komportable raw siya. Pero komportable raw siyang makasama sa isang project si Benjamin Alves na ka-partner niya rito sa Owe My Love. “Si Ben is one of my best guy friends and we’re comfortable with each other, eversince naman.

“Isa rin siya sa mga paborito kong kaeksena and wala kami masyadong maipapakita na intimate scenes because of the storyline and second we are not allowed to do that in the middle of the pandemic. May mga bawal pero marami naman puwedeng gawin,” pakli ni Lovi.

Nakikita naman daw dito sa Owe My Love na masaya lang silang lahat at magaan lang lahat na katrabaho. Bukod kay Benjamin ay ang saya lang daw nila kasama ang iba pang komedyante.

Nasa TikTok posts nga ni Kiray Celis na ang dami lang nilang pinaggagawa dahil nag-i-enjoy daw silang lahat sa set. “Kahit ako nga na hindi na nagti-TikTok, napapa-TikTok ako. There’s something about Kiray na hindi ako mapapahindi,” bulalas ni Lovi.

“Kapag mapanood ito ng mga tao, parang gagaan ang gabi at matutulog na lang sila,” napapa­ngiting pahayag pa ni Lovi at proud sa ginawa nila rito sa kanilang bagong romantic-comedy series.

Pagkatapos ng Owe My Love ay may dalawa pa palang pelikulang gagawin si Lovi. Siya pala ang napiling magbibigay-buhay sa pelikulang Burlesk na ididirek ni Joel Lamangan at ipu-produce ng Godfather Productions ni Joed Serrano. 

Sen. Bong, naiiyak ‘pag naiisip na ikakasal na si Gianna

Parang hindi pa rin handa si Sen. Bong Revilla kapag napapag-usapan ang binabalak na kasal ng anak niyang si Gianna Revilla sa kanyang long-time boyfriend na si Jed Patricio. Isa ito sa surprise sa kanila ni Mayor Lani Mercado noong nakaraang Pasko na kung saan nag-propose na si Jed sa kanilang anak.

Ngayon ay pinag-uusapan na ang wedding at balak daw nilang late this year o early next year. “Parang gusto ko nang umiyak ah! ‘Pag naiisip ko pa lang, naiiyak na ako,” napangiting pahayag ni Sen. Bong Revilla na naka-dinner namin noong nakaraang Chinese New Year.

Iba raw kasi talaga kapag babaeng anak, kesa sa lalaki. Hindi pa nagpaplanong pakasal ang panganay nilang anak na si Bryan Revilla, nauna pa si Inah at si Jolo. Ang susunod ngayon ay si Gianna na pinaka-close pa naman sa kanya. “Katulad nitong babae na ‘to si Gianna, close sa akin to eh. Eh sabi nga niya this year. Kung saan siya maligaya, suportahan na lang ‘di ba?” parang may nakabara sa lalamunan niya habang sinasabi ito ni Sen. Bong.

Tanggap naman daw nila ang mapapangasawa ni Gianna, dahil matagal na rin ang kanilang relasyon at mabait daw na bata. “Mabait naman ‘yung mapapangasawa niya,” sabi pa niya.

Kaya kahit medyo mabigat, pinaghahandaan na raw nila ang kasal na maaaring gagawin daw sa Tagaytay. Simpleng seremonya lang daw ito na silang magpapamilya lang dahil hindi naman puwede ngayon ang malaking handaan.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with